Saturday, December 24, 2005

MALIGAYANG PASKO!

Perteh, Pasko na nga!

Ang bilis talaga ng panahon, parang kahapon lang 'yung Christmas 2004 eh. Perteh! Hindi pa nga ako nakakapanood ng Harry Potter 4! PERRTEH talagaaa!

Kagagaling lang namin nina Mare at Pare para bumili ng mga regalo para sa mga pinsan ko. Perteh. Ang gaganda ng mga binili nila. Perteh talaga. Tapos, 'yun pala wala kaming matatanggap na regalo mula sa kanila!!!--> sabi nila. Parang... unfair, diba?

HOY mga pinsan! Kilala niyo na kung sino kayo! MGA regalo ko ha! perrteh!

Pero, sabi nga ni Pare, "it's better to give than to receive..." Kaya nga ngayon, ay, sige nalang. At least, alam kong magdadala sila ng baked mac bukas ng gabi dito sa bahay. Sana lang nga, kumpleto ang recado, gaya ng ginawa namin sa food chem, para masarap!

Ang daming tao kanina sa GMall. Graaaabeh! Nagho-holiday rush nga daw, kung baga. Perteh din noH? Sinong nagsasabi na pobre ang mga Pilipino? Sandamakmak ang mga tao ngayon sa mga malls! Sinong purdoy, aber?

Anyway, kanina pala, pinagsamantalahan ko na 'yung moment na makabili ng regalo para kay Pare at kay Mare. Perteh kasi. Grabeh sila kung magparinig. "Grabeh ka naman bumili ng mga regalo para sa mga kaibigan mo, nak..." "Ako, gusto ko ng ganito..." "Ay, ok na sa'kin 'yung pagmamahal..." "H'wag pagkain kasi baka may cholesterol..."

Perteh, eh di bumili na nga ako ng mga pangregalo sa kanila. Hindi mamahalin. It's the thought that counts naman eh. Waaah... Kapos ako ngayon ng pera. Ewan ko bakit.

For the past few days, ayun, dito ako sa bahay kasama si CJ. Minsan nasa office ni Pare. Naku talaga noh. Halos everyday, nanonood kami ni CJ ng mga Disney na movies. As in, inisa-isa namin ang lahat ng mga fairytales na perteh na mga movies. Hanggang ngayon, perteh, napapaiyak parin ako sa The Lion King. Nakuuu... perteh talaga.

Mamayang mga 9pm, magsisimba kami sa St. Paul's parish. Doon kasi kami usually nagsisimba every Christmas eve. Lingaw kasi nakikita ko 'yung mga classmates ko dati, batchmates, zhuzhu... May mga narerealize ako like, "ay, tangkad na niya ah..." "si ano pala, tumaba?" "oi, payat na si ano..." "ay, ganun parin mukha niya" "oi, ang pogi..." Kaya nga gusto ko ring magsimba dun eh, para lingaw.

Mamaya, magluluto ako ng Carbonara. Ngayon, lalagyan ko ng salt para magkalasa, at cream of mushroom para mas masarap.

Karaming mga gifts under the Christmas tree. Saan kaya 'yung sa'kin doon?

Sa kasalukuyan, may ipinagagawa ako kay Mara, my seatmate. Lingaw kasi, ang galing niya sa photoshop, so matutulungan talaga niya ako sa aking plano. Harharhar... Basta, malalaman niyo lang kung ano 'yun sa susunod na.

'Yun nalang siguro muna. Oo nga pala... MERRY CHRISTMAS MGA TAO!

PERRTEH!

No comments: