Saturday, December 17, 2005

ANO NGA BANG NANGYARI?

Naku... Sasabihin ko ito, graBEH! SOBRANG BUSY KO TALAGA!!! GRAAAABEHHH!

Perteh na nga kung perteh!

Buti bakasyon na ngayon. Pero, inaatupag ko parin ang mga application forms.

Ano nga bang nangyari the past few days/weeks? Eto, bibigyan ko kayo ng overview:

>>>

The best talaga ang foodchem. Si Mam Papasin kasi, nagplano-plano na magpaparty daw kami. Kaya ganun, nagluto kami ng iba't-ibang putahe: Embutido, Fudge Brownies, Carbonara, Lasagna, at Baked Spaghetti. Grabeh ang preparation... TATLONG ARAW! Tapos, halos 10 minutes lang namin kinain ang lahat-lahat! Nakuu... Ang busog ko talaga nung araw na 'yon. 2:30-4:10pm, kumain kami. Tapos, nung 4:10, nagChristmas party pa kami sa SG! Naku, eh di, doble busog na ako. Hindi nga ako kumain ng sobra sa SG party. Hindi pa ako nakapagdinner... Oo nga pala! Bago ko makalimutan, nagpapasalamat ako kay Emmae! SALAMAT TALAGA SA GIFT MO! PINASAYA MO AKO NG TODO!!!

foodchem party!
Eto nga pala 'yung party namin sa FoodChem. Nasa ChemLab kami niyan.

>>>

Regional Sci/Math quiz/fair, sci-dama comp, and Intel-Philippine Science Fair.

Haaay nakuu... Luckily, nakasama ako sa event na 'yan. Pumunta kami sa Digos last Dec.9-11, 2005. Kasama ko 4 na 1st yr, 4 na 2nd yr, 4 na 3rd yr, sina Rae, Hadi, Miggy, Nil, Roxie, Kamee, MamaPEH, Jei, at Ces, 6-7 teachers/coaches. Grabeh, first time ko 'tong makasali at makasama ang mga taong ito sa contest. Kuyaw... Sosyal na ang dating ni Pasia... Nakakapag-Intel na!

Salamat sa Diyos at nakasali kami dyan. 6 kaming research, para sa Intel. Nakuuu... Ang saya makasama ang mga taong 'yon. Marami rin akong nalaman na mga sikreto ng mga tao. Mga stories ni Glenn Monleon. Nakadiscover din ako ng mga pogi. Nagkaroon ako ng bagong experience.

Saturday 'yung contest namin. Perteh kasi naman, kailangan naming magsemi-formal para raw hindi makilala 'yung school namin. Perteh. Mas nagmukang teacher ako kesa sa aming coach. Perteh! Tapos, bilib din ako sa aming napakalaking display board na pinaghirapan naming puntahan at ipagawa sa MindsView. Nakuu... Nagpapasalamat nga pala ako sa MindsView, kahit hindi masyadong maganda 'yung services niyo, ok lang kasi pinaganda niyo ang mga display board ng dalawang teams.

Nakakainis ang mga taong kumokopya ng mga abstracts namin. Nakakainis. PErteh.

LiFe Science category kami. Sina Mamapeh, Nerdy, at Kamee ay Physical Science. Lingaw kasi nauna ang physical science, tapos, pasok sa science congress sina nerdy. Kapag pasok ka kasi, siguradong panalo ka na. Sa amin, nagkaroon ng thrill. Perteh. Sabi kasi ng mga organizer, meron na silang unanimous na winner. Dalawa nalang ang tatawagin nila for congress para sa mga questions. Nakuu.. That time, si Cecile 'yung kasama ko. Grabeh ang kaba.. Tapos, bigla nalang... WALA. Hindi kami tinawag. PERTEH!

So, that left us there thinking about what will happen the next day. Panalo ba o talo? Shucks man...

Bad trip din para sa mga quizzers... DINAYA BA KAMI sa math at science quiz! PERTEH! Mga walang MODO!

At nung gabi na talaga, kinuwentuhan kami ni GLENN Monleon ng iba't-ibang stories... At nanood pa kami ng the BIG night ng PBB. COngrats nga pala kay Nene, I'm so proud of you!

So, Sunday na... Sa tingin ko pinicturan ako nina Jeijei habang natutulog ako. I can feel it. Tapos ayun, nagkandarapa kami maligo kasi baka malate si Sir Angel sa kanyang flight. Sosi kasi itong si Sir Angel. Pa mayni-Maynila na siya. At pumunta na kami dun sa venue.

Haaay nakuu.. paghintayin ba kami ng matagal, tapos ipopostpone lang pala 'yung awarding?! Eh di 'yun, nagnet cafe muna kami. Kaya nga nakapagpost ako dati eh. Doon din mismo sa inet cafe na 'yun nagblossom ang "pagmamahalan" nina Baula at Cecile.

At bumalik din kami sa venue pagkatapos kumain ng beefsteak sa Jollibee. Ayun, awarding. Buti nalang, kahit dinaya kami ng iba't ibang mga divisions, naku, panalo parin. I'm so proud of you schoolmates! Saludo ako sa inyo.

Napakatagal ng announcement ng winners para sa Intel. Nakuuu... feeling ko lalabas na 'yung solid waste ko sa pwet ko sa sobrang kaba. As in, ang init pa talaga!

After almost two hours, ayun, nagannounce na nga ng winners. Life Science Category muna. Eh di, kabang kaba na kami. Binanggit na yung 3rd place, tapos yung second place... Lalabas na siguro 'yung solid waste ko As in...

Sinabi nung tig-announce: "For the champion ob clAsteRR tooo, layF SAyans Cutegury... Prawjekt LiderR, Kris Gym DanNNiKA..."

WAAAAAAAAAAAAAAAHHHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHHA!!!

aS IN, SHAGGET TO THE MAX NA KAMI! TUMAYO AT TUMALUN-TALON!

Wala na akong CARE kung imispronounce pa nila ang pangalan ko, basta't panalo kami! WoOOOhooOWOO! As in... Hindi ko 'yun ineexpect. Sobra-sobra na ang ibinigay ni God sa'kin. Sobra... Salamat talaga LORD!

AFter nun, Physical Science na naman... 3rd sina MamaPEH! WoOoOOOHHOOOoooO!!!

AT After nun, bumalik na kami sa Davao.

Grabeh... Sobra ang pasasalamat ko sa Diyos... As in, hindi ko talaga 'yun inakala. Ang bait ni LORD! YEAHHH! Salamat Mahal Na AMA!

Yeah! "We're going NAtional," ika nga ni Dejarme.

Sana gabayan ulit kami ng Panginoon...

participants
Eto ang pic naming lahat. Si Mam Palicte ang kumuha niyan.

>>>

After nun, Exams na... Buti binigyan kami ng oras para makapag-aral. Haahaaay... At 'yun nagtake kami ng exams.

After the exams, nag christmas party. Hehehe. Salamat Miggy sa Les Miserables. Sa the FORCE...Salamat sa mga regalo. Ang senti mo KAYBO!

IZy, MARIAN, RANIEL, at MITZI... Utang NIYO SA'KIN!!!

Nag semi-batcholympics kami. Pero ang totoong laban na talaga ay sa March pa. Kaya, maghanda kayong lahat!

After that, hindi pa ako nakapaglunch kasi nag-rap pa kami ni Yan at ni JoanE. Bilib talaga ako kay JoanE... Ang galing gumawa ng rap. Sistahs talaga kami. Kaso lang nga kulang kami. Paos si Anj, nagliwaliw kasi kasama si Marl nang nakaraang gabi sa Christmas party ng DOrm.

Parents Day Celebration. Nagsenti moment kami ni Pare sa stage ng Pisay. Nagexchange kami ng mga letters. Nakakaaliw makita ang mga taong (magulang) umiiyak habang nagsasalita ka. Kung baga'y nata-touch pala sila sa mga sinasabi mo. Perteh... Kitang kita ko 'yung si Mareng umiiyak habang hawak-hawak 'yung cellphone niya para mag-video. Waaaah ka talaga Mare, mahal talaga kita. Cool lang si Pare sa stage, first time niya kasi gumanun sa Pisay. Pinipigil ko lang ang mga luha ko that time. Kasi naman, nakakahiya kung iiyak ako dun noH! perteh!

After that, nagtake ako ng Math exam. Naku, grabeh ang tawa ni Mam Eggy... Super, parang ala-witch.. Harharharh...

At umuwi narin ako sa bahay...

The next day, inatupag ko 'yung mga application forms ko... Hanggang ngayon, 'yun parin ang inaatupag ko...

>>>

Napaka-busy ko talaga ano? Pero, grabeh... Kahit ganun ako, ang ganda ganda ko parin... Char.

No comments: