Saturday, December 31, 2005

3 MINUTES NALANG SIGURO... NEW YEAR NA PAGPOST KO NITO

I just saw a rat running from our sofa towards the room.

Shakiks... Magnu-new year na. Tapos, 'yung daga pa ang maggri-greet sa'kin? Ano bang ibig sabihin nito?

At ngayon pa! 45 minutes nalang, magnu-new year na, ngayon pa namin natuklasan na may daga pala rito sa loob ng bahay! PErteh bah oi...

Anyway daga, don't worry. Mamaya lang, makakatikim ka ng RACUMIN.

>>>

I'm awfully in a bad mood today.

The moment I woke up, I never noticed the sun shining. All I know is that sumisigaw at nagyayawyaw na si Mare na bumangon na ako kasi sobra na raw ang tangkad ko. Pati si Pare nakisali pa sa gulo. 'Yung ibang tao raw kasi gising na ng mga ala-sais pa at naglilinis na ng bakuran, at magluluto pa ng almusal. Buti pa raw ako, gigising na may nakahain nang pagkain. Pinaghihintay ko pa raw 'yung pagkain.

Perteh bah! Hindi ba nila naiintindihan na KULANG ako sa tulog kagabi kasi naman dahil sa buwisit na lamanlupa na nagbago ng password ko sa ym!

Perteh. Pero, ano bang magagawa ko eh, nakakatanda sila. Galang lang, kung pwede. Pero naman noh, nung bumaba ako, eh nagluluto pa pala sila. Perteh.

AT AYUN... Sinimulan ko ang araw ng may kunot sa noo. At hanggang ngayon, may kunot parin.

Medyo bad trip kasi ngayong araw. Ayoko nang sabihin pa ang ilang mga details. AYOKo nang balikan pa.

Magnu-new year na. Ano ba, Pasia? Smile naman diyan.

>>>

This year started with a loss, and then followed by a major loss, then again another loss, and another major loss, and then another loss, and then, thank God, minor losses nalang ang mga sumunod.

I can still remember last January 1, 2005. Ninang Jing called here in the house. Alangan, always naman din siguro, ewan ko lang mamaya kung tatawag ulit. Nag-greet siya ng HAPPY NEW YEAR sa'amin. OK na sana ano? Pero, sinundan 'yung "happy new year" niya ng "Nagsuicide 'yung kapitbahay namin..." Grabeh, first thing na nabalitaan ko nung new year is 'yung pagkamatay ng kapitbahay ng ninang ko. Aguy... Death na agad 'yung nangyari. Pero, hindi naman namin masyadong pinansin 'yon eh.

After one week, namatay 'yung lola ko sa Leyte. 'Yung nanay ni Mare, si Restituta (Tootsie). Ineexpect naman talaga ng family na mamamatay siya, pero hindi namin ineexpect na that day mamamatay siya. Dyahe! Nasa party pa ako nun ng pinsan kong si Trisha nung nabalitaan ko na namatay ang lola ko.

Nung Feb, wala naman masyadong nawala. Basta alam ko, pangit ang mga results ng Achievement tests ko. Yakidoods. Pero, doon namin nalaman na may cancer of the liver na pala 'yung lolo ko. Tatay ni Pare, si Papalo.

March. Namatay 'yung isa ko pang lolo, asawa ng kapatid ni Papalo. Grabeh bah. Ano ba 'to? March na! PErteh.

April. Ito sana 'yung buwan na pinakamasaya para sa'kin. Alangan, 'yun kasi 'yung buwan ng kaarawan ko. Pero, dyahe, nag-internship kasi kami. Takakainis 'yung isang supervisor ng BFAR eh. Loida ang pangalan niya. Basta, nakakainis siya. Pero ito talaga 'yung pinakagrabeh. Biglang na-confine sa ospital si Papalo. At doon nagsimula 'yung mga moments na akala ko mawawala na siya ng todo sa'aming piling. Ilang beses akong nagdasal na sana maabutan pa ni Papalo 'yung birthday ko, April 28. Pero, hindi Siya nakinig. Noong April 26, ayun, sumama na si Papalo sa Diyos.

May. Napansin ko na parang nagiging monthly requirement na 'yung may namamatay sa family namin. Pero, nung May, thank God, walang namatay.

June. Namatay 'yung isa ko pang lola, lola yata 'yun ni Pare. Basta, another loss na naman. Iyakan na naman, as usual.

July HANGGANG December. So far, thank you Lord kasi wala ka na munang kinuha sa pamilya ko. We've lost a good number of loved-ones already. Alam na siguro ni Lord na masyado nang masakit kung may kukunin pa siya.

But then again, I just realized that I was always sitting on the conked-out side of the bench. I never even tried to scoot near the better side. I was being too pessimistic.

Shucks man. Kahit na sobrang dami ng mga nawala sa buhay ko/namin, perteh. Ang Diyos talaga, ang wais. All those losses, those i-can't-live-anymore moments, and all those occasional crying times were, in fact, blessings in disguise.

For six months our family had gone through a great deal of suffering, sacrifices, and terrible losses. And within those six months, I felt that our family became stronger, warmer, and more committed with each other. Those six months were the times wherein we learned a lot of things in life and death. Those were the times that we learned that we still have each other no matter what happens in the family.

Nung mga panahon din na 'yon, narealize ko kung sino nga talaga 'yung mga tunay kong kapamilya. 'Yung walang pinipili kung sinong tutulungan, 'yung totoo, 'yung hindi plastik. Minsan kasi ang perception ko sa mga ibang relatives ko eh 'yung medyo materialistic, avaricious. 'Yung mga tipong lumalapit lang sa'yo kung may pera ka o kung may bagay kang ganito... Alam mo 'yun? Basta, I don't need to elaborate on that matter. I don't want to hurt other people's feelings.

Iba ang pasko/bagong taon ngayon sa family namin. Ang daming kulang. Parang gusto mong maging masaya, pero hindi mo naiiwasan 'yung katotohanan na wala na pala sila sa piling mo?

Nakakamiss...

Perteh. Ba't ako nagda-drama? Ayoko na. Tama na muna itong drama ko. Naririnig ko na 'yung torotot ni Cj sa taas. Kagagaling ko lang sa simbahan. Ayoko na 'yung ala-libakera 'yung dating ko ngayong bagong taon.

HALA! MAGSIKAIN TAYONG LAHAT! MAGCELEBRATE! MAGTOROTOT TAYONG LAHAAAAT!!!

MANIGONG BAGONG TAON SA INYONG LAHAT!

>>>

Sa mga nagtetext sa akin, salamat sa mga greetings ninyo. Sorry ha. Wala akong load, 'di na muna ako makakatext sa inyo.

Ang dami ko nang hindi natext kay Anj. Sorry Anj ha! Happy new year nalang!

>>>

Magpopost ulit ako ng christmas/new year post. 'yung may kasama nang mga pictures.

Mga solid readers ko sa KIKO'S DEAR DOCTOR LOVE, sorry kasi hindi muna ako makakapag-update. I'll try sa January 2.

>>>

SALAMAT SA LAHAT NG MGA TAONG TUMULONG SA'KING MAGING MASAYA NGAYONG TAON. MAHAL KO KAYONG LAHAT!

>>>

THIS IS A NEW YEAR... THUS, A NEW BEGINNING.

No comments: