Sunday, January 15, 2006

BABAY 134 ASTER STREET

Nah... Perteh!

Ako lang isa rito sa bahay. Taga-bantay, kung baga, habang gumagawa ng mga lab reports. Parang typical lang ano? Pero alam niyo, ibang klase kasi ang nararanasan ko ngayon. waah... Ako nga lang isa rito sa bahay na walang laman kundi ako at ang computer na ito.

Oo, ako at ang computer na ito lamang ang laman ng bahay na ito. (malay ko ba kung may daga pa ba o anu pa mang mga something...)

Shucks lang nga... Lilipat kasi kami pansamantala ng bahay. Aayusin kasi ang bahay namin, kung baga, ire-renovate. Aalisin, imu-move 'yung septic tank namin kasi naman, bumabaha na kung umuulan. Diba, laging umuulan ngayon dito sa Davao? Perteh... so ma-iimagine niyo nalang ang bahay namin tuwing umuulan... baha... septic tank... perrteh!!!

So ngayon na nga, lilipat kami ng bahay. Dun kami lilipat sa bahay namin dati (bahay nina Pare at Mare nung buntis pa si Mare sa'kin. lumipat kami sa 134 Aster steet nung bininyagan ako). Nasa Flores Village parin, pero dun na sa Sampaguita street. Sa tabi ng bahay ni Papa Danding, sa konting harap ng bahay nina Sharon.

Advantage rin naman sakin na tumira doon. Unang-una sa lahat, makakasama ko si Papa Danding, ang lolo ko na kapatid ni Papalo na medyo spino-spoil ako since bata pa ako. Waaa. Tapos, ang luwang pa ng garahe dun. Pwedeng makapagbasketbol o makapagbadminton. Tapos, may swing pa doon (mas matanda pa sa'kin 'yun hanggang ngayon, buhay parin). Tapos, tipid pa ako sa pamasahe sa trisikad; malapit lang kasi sa kanto ng Flores 'yung bahay na 'yun, so, maglalakad nalang ako.

Pero naman, grabeh super uber to the max din ang mga disadvantages doon.

Una, sira 'yung bakod doon. Exposed pa naman sa "grassland" 'yung likod ng bahay. Perteh, so may malaking possibility na bisitahin kami ng mga animals. 'Di lang daga, pwede rin ng mga snakes, mga mas malalaking ahas, ng mga mahahabang ahas...

Shucks... Shucks talaga. Tapos, walang internet for 1 week. Halos every night pa naman ako nagoonline kasi para sa mga lab reports. Tapos, hindi ako makakatikim ng internet for a week. Paano na ang mga references? Kaya nga ngayon, grabeh na kaagad ang pagreresearch ko ng mga references para sa dalawa pang lab sa foodchem. Perteh. Tapos, Wala akong sariling kwarto. Tapos, Nasa kahon lahat ng mga gamit ko. Perteh... Wala nang skycable (pero ok lang, sanay naman ako eh. for 15 years, hindi ako nakatikim nun. si CJ ang magsu-suffer kasi walang disney channel. Waaahahahsha!). Ano pa ba? AY basta, ang dami!

PEro kapalit din nun, magiging maayos naman ang bahay namin dito sa 134 Aster street. Ok na 'yun sa akin. Nakita ko nga 'yung drawing ng renovated na bahay eh. Ok na ok!

Sabi ni PAre before April 5, 2006 ayos na itong bahay. Nakuu... Sana totoo nga 'yun. Kung baga eh, graduation gift na rin.

Waaah...


mga kahon
Mga karton... EVERYWHERE!

ang bahay ni pasia
kanina ito na picture. shucks. mga karton.

Perteh, kailangan kong mag-adjust sa bagong environment. Itong bahay namin dito sa 134 Aster street eh 'yung bahay na kinalakhan ko na eh. Shakidoodz man...

Pero ok lang... I'm flexible naman... Perteh!

Babay na, 134 Aster street. See you again after two months.

No comments: