Monday, January 2, 2006

ANG PASKO AT NEW YEAR CELEBRATION

Nakuu. Hindi ko talaga makakaila na ang tahitahimik ng Pasko dito sa Davao. Perteh talaga. Parang kami lang yata sa bahay 'yung nag-iingay eh. 'Yung mga kapit-bahay namin parang tulog eh. Parang "wala lang" sa mga tao dito 'yung pasko. Perteh. 'DI tulad nung dati na sobra-sobra ang mga party. Simula nung sinabi ni Digoy na bawal magpaputok, ayun, parang nawalan na ng gana magcelebrate 'yung mga tao.

Pero kami sa bahay, asus, wa-epek ang passivity ng aming mga kapit-bahay. Sa amin, tuloy parin ang pasko! Tuloy parin ang Noche Buena. Harharhar! Kaya nga halos kami lahat eh chubby.

Nagexchange of gifts kami. Niregaluhan ako ni Pare at Mare ng Harry Potter and the Half-Blood Prince. Wah! Dagdag na naman sa Collection. Pero perteh! Dagdag din sa reading list ko! May dalawa pa akong librong babasahin eh. Hanggang ngayon, 'di ko parin matapos-tapos 'yung Les Miserables, at TUesdays with Morrie! Shucks talaga! Waaa! Tapos, eto pa si Marian prinepressure akong basahin na 'yung Harry Potter. Perteh. Bahala na oi.

At kumain narin kami. Basta, ang sarap.

Pagkagabi, pumunta dito sa bahay 'yung sina Ninang Jing, 'yung isa ko pang lolo na si Papa Danding, at 'yung tito ko, si Tito Et. Dati-rati may kris kringle kami, Pero wala na ngayon. Ewan ko ba, crisis siguro 'yung rason kung bakit walang kris kringle. Ay ewan ko ba. Hindi ko maintindihan.

Eto nga pala 'yung picture ng aming Christmas celebration dito sa bahay.

Christmas sa bahay
ANG SAYA-SAYA!

Binigyan ko ng mga regalo pinsan ko. Toblerone na may kasamang mga sabit sa cellphone nila. Gusto ko lang magbigay, kaya binigyan ko sila. Akala siguro nung isa kong pinsan, si Angel ('yung naka-blue na shirt), na ieedit ko ang mga pictures nila. PEro hindi noh. Nakakatamad. Ang dami ko pang gagawin. Waaa.

So, ayun, nabusog kami, medyo nag-enjoy, at ganun na nga.

After Christmas, as in, todo ang pasyal ko sa SM at sa NCCC Mall. Nagkita kasi kami ng isa ko pang bestfriend na si Kamille sa SM. Nagkamustahan lang kami. Tapos, nakita rin namin si Karla, so, sinama rin namin siya. Nakita ko rin sina Jobo na nagla-laag. Tapos, nakita ko rin 'yung mga pinsan ko. Nung pagkagabi na, ayun, pinuntahan ako ni Pare doon at namili kami ng mga panregalo para sa aming "major" kris kringle sa BUONG Pasia family. As in, BUO!

Nung new year naman, doon, medyo nag-ingay narin ang mga kapit-bahay namin. Ang mga kawali, mga kotse, mga radyo, mga taong kumakanta eh pawang nag-iingay. As in, malapit nang masira 'yung "honk" ng aming kotse sa sobrang pagbubusina. Teka, honk ba ang tawag dun? Waa...

Every January 1, nagre-reunion ang BUONG Pasia family. Naghohost 'yung mga lolo at lola ko. Eleven kasi na magkakapatid 'yung mga lolo at lola ko. Shakiks, ang sipag noh? Tapos, each pa na lolo at lola eh may average na tatlong anak. Tapos, 'yung mga anak, 'yung mga tito at tita ko, eh may average rin na tatlong anak!!! Waa. Can you just imagine how BIG our family is?

Ako, apo ako sa tuhod. Kabatch ko 'yung mga anak ng mga tito at tita ko (like, duh?). 'Yung pinakamatanda kong tita eh mga around 48 na yata ('di ako sure) tapos 'yung pinakabata kong tito eh 17 pa lang! Mas matanda pa nga 'yung isa kong pinsan sa tito kong 'yon eh. Basta. It's quite complicated. Dapat niyo makita 'yung family tree nalang namin. Sabi nila gagawa raw sila ng website namin. Hay nakuu. Kailan kaya nila sisimulan?

Eto, dito kami nagreunion. Nagsisimula kami mga around 12 noon, tapos nagtatapos around 7 pm kung gusto pa ng mga tao.

Dona Josefina ba?
Nasa taas ako nito.

Enjoy ang mga reunions namin (well, para sa'kin enjoy). May mga games kasi, para sa mga matatanda, teenagers, at mga bata. Namimigay pa ng pera. May kris kringle pa. Ang dami pang pagkain. Pero ang kinaiinisan ko lang minsan eh 'yung pagkakaroon ng favoritism kung namimigay ng pera. Ganito kasi 'yon. Kapag mas bata, mga 5 years old BELOW, mas malaki 'yung binibigay nilang pera. Kung medyo matanda ka na, kailangan mo pang amuin sila para lang madagdagan 'yung sixty pesos mo. Perteh!!! Aanuhin naman ng mga batang 'yun ang pera? Ibibigay lang naman nila 'yun sa kanilang mga magulang ah! Hindi nila 'yon maeenjoy ng todo! PERTEH!

Pero, 'di na bale. At least ako, for my part, medyo malaki-laki narin 'yung nakuha ko. Galing kasi ng diskarte ng tatay ko. WAAAH!

Sa reunion namin, doon din 'yung chance na makita namin ang isa't isa. Ang daming mga bata sa pamilya namin! As in, toddlers everywhere! Natututo rin silang magenjoy tulad nito:

Sina Hailey, Kyla, & CJ
Ang kyut noh?

Eto 'yung iba pang mga pictures o:

reunion namin
May mga kantahan, inuman, kainian. As in.

After ng kris kringle, nagkanya-kanya na kami. 'Yung tipong, do whatever you want. Kaya halos lahat ng bata dumiretso na sa swimming pool! Kapatid ko, as in, Wah! Mga pinsan!!! PAti mga tito ko naligo. Ako, gusto kong maligo. PEro, 'di pwede. BAsta.

sa may pool
Kita? Sa pool na 'yan, infested ng mga Pasia. Starring pa nga 'yang kapatid ko dyan eh. Hanggang sa upuan lang ako.


At 'yun na nga 'yung naging Pasko at New Year celebration ko. Oo nga pala, gusto kong i-greet si Trisha, pinsan ko, na HAPPY BIRTHDAY! Birthday niya ngayon, January 2! Bisitahin niyo ang blog niya, at mag-greet kayong lahat!

Sige, ito nalang muna. May pasok na ako bukas! Waaah. School na naman. Kitakits mga classmates!! Drafun, nAH! PERTEH!

1 comment:

Unknown said...

salamat at naisip mo gamitin ang toblerone pang regalo! :) http://www.toblerone.com.ph