Saturday, January 28, 2006

TODAY

Today is Saturday, and I'm here in my house.

Pupunta sana ako ng NCCC Mall para bumili ng mga gamit ko for my projects na due pa sa Feb. Kailangan ko na kasing gumawa ngayon. Kasi naman, may contest sa talumpati daw sa UP Min sa Feb 6 ng hapon. Tapos, aalis ako (together with the research group) at pupunta sa Laoag, Ilocos Norte sa Feb 6 (gabi) hanggang 9. Prom na namin sa Feb. 11. Tapos, hopefully, pupunta rin kami sa UP Diliman sa Feb. 15 hanggang 19 para sa Intel.

Ang busy. Ang daming mga opportunities na binibigay. Sana magampanan ko 'yung role ko sa lahat nang mga 'yon.

Just help me... Help me Lord.

>>>

WALA AKONG BOSES. BAKIT BA AKO SUMIGAW?

EH ANONG MAGAGAWA KO? KAILANGAN EH.

PERTEH!

>>>

Last Jan. 21, birthday ni Marian. Eh di pumunta kami sa bahay nila. Akala ko, parang simple lang 'yung handa niya kasi kami-kami lang. Perteh. Ibang klase talaga itong si Marian.

Sobrang DAMI ng handa. 'Yun pala ang simple para sa kanya? waaah.

Marian talaga---anak mayaman!

After lunch, nanood kami ng Memoirs of Geisha (dvd from Mantex of course). Ok lang naman 'yung movie. Ang corny lang ng rason kung bakit siya naging Geisha. Pero in fairness, lingaw ang movie. Ang ganda rin ni Zhang Ziyi (tama ba ang spelling?). Kaya nga ngayon, si Kbo, gustong maging Geisha na rin. May blog na kasi siya. Tapos, ALL ABOUT GEISHA 'yung blog niya. Nanood din kami ng isang Korean film. Hindi ko alam 'yung title, basta, yakadoods 'yung movie. Mga sipon, laway, kugmo... Ay basta. Yaks. Pero, lingaw na love story. Waaah.

Last Wednesday, Jan. 25, birthday ni Mare. So, may konting celebration dito sa bahay. Kami-kami lang din. Si Pare, si Mare, si Cj, sina ate Belinds at Vange, si Pipo, at syempre, ako. Thankful ako kasi masaya si Mare nung araw na 'yon.

Nung Wednesday din ng hapon, nag community service kami sa CAT. Assigned kami ni Luis na maghead sa cooking. Alpha 1 'yung nauna. Enjoy kasi naman, wahas 'yung mga babae dun. Nakakagaan ng feeling na nakakatulong ka at nakakapagpasaya ka ng tao. Basta, kung naramdaman niyo man 'yun, you'll just know.

>>>

KAHAPON, naglaro kami ng basketball sa school. Seniors vs. Sophomores. Shaks. First half lamang ang Sophies. MEdYO may alam kasi sa sa larangan ng basketball. Pero, bumawi kami sa second half. At thank GOd, nanalo kami.

Kulang kami sa practice. For sure. Kulang talaga.

Tapos, wala pa talaga si Tifanny. Shaks. EH di ako lang 'yung isang center. Napagod talaga ako ng todo!!!

Sa next game namin, sisiguraduhin kong lahat kami sa basketball girls ay magiging masaya. AYoko kasi ng may mga nasasaktan. Ayoko rin ng mga nagmamaliit ng ibang tao. Ayoko kasing magmura. Ayoko ng mga nagmamarunong. Ayoko nung mga mapang-asta na 'di naman nila alam 'yung totoong potential ng mga ibang tao. Nakakyamot. Nakakainis.

Anyway...

After the game, pumunta ako ng SM kasama sina Ayesha, Marian, Izy, Raniel at Alec. Kumain kami sa I Love Sushi kasama si Braza. Busog ako ng todo. And, ang sarap pala talaga ng TOFU---walang aangal. Blog ko ito.

Bibili sana ako ng mga materials. Pero, kulang ang mga gamit sa NBS. Shaks.

Tapos, ngayon sana ako bibili, pero, wala rin. Umuulan kasi.

Kaya nandito ako ngayon. Magmememorize nalang ako. Gagawin ko 'yung math project ko. Sulat-sulat muna. Ay tama, may lab report pa pala sa Physics. Perteh. Magbabasa pa ako ng The Catcher in the Rye. Food Chem project pa pala. Ay perteh, may Bio project pa due next week.

Naku Lord, Tulungan niyo po ako.

>>>

Nakatulog ako ng maayos kagabi. Haaay, buti nakabawi ako sa mga puyat ko noong mga nagdaang araw.

>>>

PWEDE NANG MAGCOMMENT dito sa blog ko. Click niyo lang 'yung link sa baba, 'yung "comment". Tapos, pwede na kayong magcomment either as a user, or as a guest.

>>>

Ok... ilau-launch ko na ngayon ang mga taong may mga bagong blog:

visit KBO'S BLOG: http://morfunleashed.blogspot.com

and, ang pinakabago:

MIGUEL'S BLOG: http://beezdahk.blogspot.com

>>>

Lord, tulungan mo ako.

1 comment:

Cecile said...

hi dan..Ü wah..sori kng sumigaw ka dahil sakin.. hm.. projects galore btaw.. i know who ur talking bout dun s bball.. *sna maging ok n* kaya natin toh dan!Ü wahoo..ako fist nakacomment.. yipee!Ü