Sunday, April 9, 2006

BABAY NA...

Perteh. Ngayon lang talaga nagsink-in 'yung katotohanan na grumaduweyt na ako sa Pisay.

Shaks... March 29 'yung graduation day namin. Ang tagal na nun, pero grabeh ang hang-over ko sa event na 'yun. Hindi naman sa tumagay ako (hala Marian...), pero grabeh talaga 'yung narealize ko ba. Ngayon ko lang natanggap na hindi ko na maibabalik 'yung nakaraan. Hindi ko na ulit mahahagilap araw-araw 'yung mga mukang nagpapangiti sa'kin. Grabeh talaga ang mga changes sa paligid.

before pictorials
Eto 'yung pic namin before the class and batch pictorials

Haaai nakuu... Balikan muna natin 'yung graduation day namin. Sus nalang, malapit na akong ma-late ba. Ang bagal kasing kumilos nina Pare at Mare. Shaks oi... Pero buti nalang, on-time kami dumating. Hindi pa talaga ako sanay sa sapatos kong high-heels. Hindi ko kasi type ang mga ganon. Aanuhin ko ba ang mga high-heels kung sobra na ang tangkad ko? Perteh. Ang hirap maglakad noh...

Pero binaliwala ko 'yun. 'Di ko papayagan na 'yung high-heels ang sisira sa araw na 'yun. Haai naku basta. Halos lahat kami seryoso. Worth-it lahat ng practices. Tapos, nandoon pa talaga si Miranda. Nagkandarapa kami pa-picture oi! As in, waaaah...

Papa ramon
Pic with our guest speaker, Dr. Miranda

Tapos, graduation song na. Aguy... Doon nagsimula 'yung mga iyakan. Sus nalang! 'Yung mga nasa harapan ko, red-nosed na after ng grad song.

after the balloons
Eto 'yung pic namin sa CAT field

Pero nagsimula 'yung lahaaat ng hagulhol nung recessional na. As in, shaks perteh talaga... Halos lahat umiyak. As in, iyakan galore!!! Pero oi... Ba't hindi ako umiyak? As in, wala. Walang tumutulong luhaaa. Konti lang 'yung tumulo nung niyakap ko si mam Betchay. Tapos nun, wala na. Ewan ko oi...

Tapos pinakawalan namin 'yung mga pulang balloons sa CAT field. Ang ganda nun... Super.

the force
THE FORCE... You've been with me through thick and thin. Salamat baaai...

Ay basta, grumaduate na rin kami. Ang saya... Pero nakakalungkot parin. Bittersweet nga, kung baga. Ayoko pang umalis sa Pisay eh. Ibang klase kasi 'yung mga experiences ko sa Pisay. I spent the best days of my life in Pisay (so far noh).

Mga tawanan, iyakan, mga hotseat, mga sessions, lokohan, parties, si dr. love, mga tuksuhan, kainan, ang boses ng mga batchmates ko na naririnig hanggang guard house, mga practices, crammings, sayaw, kantahan, competitions, basta... Pisay as a whole. I will miss Pisay. Shaks! Perteh.

I lab Pisay. SUPER.

Illumina, alam kong magkakahiwa-hiwalay na tayo sa college. 'yung iba nandito sa Davao, 'yung iba nasa MSU, sa Siliman, sa DLSU, sa UPLB, sa UPDil, sa ADMU, sa Singapore, sa US... Sana hindi tayo magkalimutan. Sana manatili 'yung mga experiences na shinare natin sa isa't isa sa ating mga puso. We've been together for four years. Four wonderful years. Sige bai... Kitakits nalang! Mahal ko kayong lahat.

O sige na, napapaiyak na ako.

O, pahabol lang ito ha: ayokong magCHA-CHA. Perteh ka Gloria. Kung magcha-cha-cha, dapat lahat ng mga nakaupo sa mga posisyon ngayon palitan ng bagong set of officers. Dapat 'yung Gloria admin magresign muna bago i-implement ang CHACHA. Perteh.

Grabeh... seryoso na 'to. Magco-college na kasi ako eh. Waaaaah...

Shine on, Illumina.

No comments: