Tuesday, April 25, 2006

EH KASI NAMAN...

Perteh naman... Perteh.

Tatlong tulog nalang, 17 na ako. Waaah... Tumatanda na talaga ako. Reding-ready na mag-college! Pwerteh!

Buti naman at medyo naging mukang bahay na itong tinitirahan namin sa 134 Aster street. Eh kasi naman, mukang construction site ito for the past three months!

Pero kahapon, pagdating ko sa bahay galing sa mall, ayun. Nabigla ako ng konti... Wala na masyadong buhangin sa may garahe. Hindi na madumi. May mga kurtina na sa loob ng bahay.

Shaaaks... I'm home again.

Kahapon nga pala, nanood kami ng sine ng mga pinsan kong si Angel at si Jappy. Nanood kami nung D'LuckyOnes. Perteh. Tawa ako ng tawa. Nakakatawa kasi talaga eh. Ibang klase ang dating ni Pokwang. Hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na babae nga talaga si Pokwang.

Haaaii nakuuu... Malapit na ang April 28... Sana matupad lahat ng mga wishes ko.

At sa mga taong nagbabalak na bigyan ako ng regalo, eto. Bibigyan ko kayo ng gabay para naman malaman ninyo kung ano talaga ang sinisigaw ng puso kong ito.

Sana bigyan mo ako ng:

...Dell na laptop. Sira na kasi talaga 'yung PC ko eh. Magagamit ko 'yun sa college. Waaahehehe.
...The Sims 2 na CD. Ay pagka. Kahit pirated, tatanggapin ko. Basta makalaro lang ako. Please.
...Sampung taon na pagsponsor sa DSL connection ko. Please. Hindi stable ang dial-up. Kailangan ko ng DSL!.
..Scholarship. Tulungan mo mga magulang ko sa aking mga tuition fees. Maawa ka kapatid.
...Isang magandang condo unit sa may Katipunan.
...DVDwriter. Para maka-burn din ako ng mga DVDs. Ako'y isang pirata eh!
...Digital Camera. Canon Digital Ixus i zoom. Just to keep the memories alive!
...MYMP Live at the Music Museum na CD. Ay perteh. Gusto ko talaga ng MYMP. Ma-bOang ako sa kanilang mga kanta.
...Sony PSP. 199 USdollars lang! Ay perteh. Ibibigay ko sa'yo ang gameboy advSP ko sa'yo. Barter tayo.
...Acoustic guitar na maganda ang tunog. 'Yung buo ang tunog. I USED to play the guitar before. Kaso, nasira 'yung gitara ko eh. Simula nun, naudlot na 'yung practices ko sa bahay. Hahayaan mo bang 'di ma-unleash ang pagkarakista ko? waaah...
...Picture frame na maganda at matibay. Gagamitin ko 'to para sa family pic namin. Para naman may maiiyakan ako sa Maynila. Parang ala-teleserye 'yung dating.
...Uyab?
...Something personal from you. Like a letter, for example. 'Yung letter na naglalaman ng tunay na damdamin. May mga sulat kasing plastik ang dating. Hindi taos-pusong sinulat. Para naman maalala kita hanggang sa dulo ng walang hanggan.

Marami pa man ba... Pero hindi ko na maalala 'yung iba. Perteh kasi ba. Kung hindi ako nag-a-update, maraming pumapasok sa kukote ko. Ngayon na nag-a-update na talaga ako, perteh, nakakalimutan ko na 'yung mga dapat kong i-post. Perteh. Tumatanda na talaga ako.

Sana maayos na completely ang bahay namin. Sa tingin ko, hindi parin mapipinturahan ang aming mga gate pagdating ng April28. Perteh kasi kayong mga karpintero! Imbis na magtrabaho, nagyoyosi!

No comments: