WAAAH...
Nawalan kami ng internet at telepono ng isang araw.
Pero ok lang naman... As if hindi ako mabubuhay kung walang internet.
The last two days were full of mini-asthma attacks. Eh paano, puro alikabok mula sa mga kahon ang nasisinghot ko. Amoy pintura ang kwarto ko. Tapos, 'yung mga panday dito naninigarilyo pa. Perteh oi.
Nilinis ko kaagad kwarto ko noh. Ayoko kasi maging storage 'to ng mga karton noh. Kaya naman, sa bahay namin ngayon, kwarto ko lang ang malinis.
Haaai nakuu basta. Binabind ko ngayon 'yung mga hand-outs ko for the past four years. Binabind ko na rin 'yung mga filler ko sa 4th year. Baka kasi magamit ko ang mga 'to sa college, or baka magamit pa ng kapatid ko sa future.
Nabasa ko pa nga 'yung mga script na ginawa namin during presentations. Haai nakuu... Nakakamiss naman oi. Ang sarap ibalik 'yung mga panahon na 'yun. Ang saya kasi eh.
Nakuu Illumina.. Nakakamiss naman kayong lahat.
Alam ko naman na maghihiwahiwalay na tayo sa college. 'Yung iba sa atin, nasa UPMin, sa ADDU, sa MSU, sa UPCebu (HELLO JEI), sa UPIlo-ilo, sa Siliman, sa UPLB, sa DLSU, sa Mapua, sa UPMani, sa UPDil, sa ADMU, sa Singapore, sa US... Kahit saan pa mang dako ng mundo... Meron paring nagba-bind sa ating lahat na kailanma'y 'di mapapawi ng kahit anumang bagay:
Ang friendship na nabuo sa atin for the past four years...
Haaai nakuu Illumina... Kung marami lang akong naipon, magbabakasyon tayong lahat sabay-sabay sa Boracay. Kaso, pobre lang si pasia eh.
'Di bale, darating ang panahon na magiging successful tayong lahat at magaambag-ambag tayo para makapunta tayong lahat sa Boracay.
O sige na... Ito nalang muna mga pare ko. Maglalaro pa ako ng The Sims.
1 comment:
hi dan.Ü waw. bagong bahay. sayang lang at di mo xdong ma.eenjoy. lubUsin mo na ngaung summer. Ü hi kay cj! kyut kyut kyut n bata!ö
Post a Comment