Wednesday, September 16, 2009

BASO.

I just realized na sobrang nega ng previous entry ko.

So anyway, I remember my mom telling me to never skip meals. Mababaliw daw ako kung di ako kakain.

Last week, I had only one meal per day. Kinaya naman. At di naman ako nagkaka-ulcer (THANK GOD!). Minsan kinakabahan ako kasi baka maging anorexic ako. Buti na lang na-maintain ko pa rin ang shape (SHAPE?!) ng katawan ko. At contrary to what people may think, HINDI PO AKO NAGPAPAPAYAT. Kailangan ko lang magtipid. Siguro somehow (but not totally) due to my previous entry. Pero nagtatabi talaga ako ng at least 2,000PhP per month. At hinding-hindi ko gagastusin 'yun kasi kung hindi, hindi ko na naman matutupad 'yung goal ko.

Anyway, kaka-stress test ko lang. Results show that I efficiently handle all the situations I am in. Hay naku ewan ko ba kung maniniwala ako diyan sa stress test results na 'yan. Minsan iniisip ko na baka pinipilit ko lang 'yung sarili kong maging parte ng isang situation. Na minsan, compelled to do things lang ako, though talagang matitindi 'yung hesitations ko sa paggawa ng mga bagay-bagay na 'yun.

Nalulungkot ako kasi minsan, hindi ko naipapakita 'yung galing na gusto kong mapakita kasi inuunahan ako ng takot at pagaalinlangan. May isang paparating na bagay na gustong-gusto ko talagang gawin (kahit ngayon lang last na kasi.. as in, huling-huli nang pagkakataon... at sigurado ako doon) pero inuunahan ako ng mga bagay na iniisip kong baka mas makabubuti sa mga tao, para sa lahat... at para na rin sa sarili ko.

Paano ko ba titimbangin ang mga bagay? Ano ba dapat 'yung pipiliin ko: 'yung bagay na gusto ko? o ile-let go ko na naman 'to na baka mas ikabuti pa ng lahat, kasama na ang sarili ko?

Siguro nakakaramdam lang ako ng ganito dahil wala akong naririnig na tulak mula sa ibang tao na sumabak ako dito sa bagay na gusto ko talagang gawin. 'Yung dating pa nga ako pa 'yung tumutulak sa ibang subukan ito. Baka nakikita nilang mas nararapat ngang gawin ko na lang 'yung commitment ko kaysa sumabak pa sa isang bagay na di naman ako siguradong kaya ko ngang gawin nang mabuti. Ewan. Insecurities. Oras. Pagaalinlangan. Competition. Responsibilities... Lahat 'yan tila pumipigil sa aking umagpas mula sa estadong kinalalagyan ko.

Naaalala ko tuloy 'yung sabi sa Philo102 namin. May mga tao talagang baso lamang. May mga taong timba naman. Kung baso siya, kailangan niyang i-aim ang pagiging baso. Huwag dapat siyang mag-aim na maging timba dahil sa kalagayan at pagkabigay niyang maging baso lamang. 'yung timba naman, huwag dapat siyang makuntento sa pagiging baso lamang dahil timba siya. Hindi maaabot ng baso ang pagka-ganap kung sosobra o kukulang siya sa kanyang pagiging baso. Likewise, hindi magiging ganap ang timba kung makukuntento siya sa pagiging salat o sa pagiging sobra ng kanyang pagiging timba.

Ano kaya ako? Baso o timba? Gustuhin ko man maging timba, mukhang baso lang yata ako. Itulak ko man ang sarili ko, wala ring mapaglalagyan 'yung kung ano pa mang merong katas na mapipiga ko pa mula sa sarili ko. ewan ko ba...


Ay naku... Enough of all these drama shiiiz. Baka magka-period lang ako. Hormonal.

No comments: