Saturday, December 15, 2007

ON HELL WEEKS AND JAPANESE

Only one hell week left.
And then, it's Christmas time!

***

I've learned a lot of Nihongo lately. It's because I'm taking up Japanese for my foreign language course.

Hajimemashite! Watashi wa Danica desu. Watashi wa jyuu hassai desu. Davao City karakimashite. Wakarimasu wa Nihongo desu ka? Hai, wakarimasu wa Nihongo desu. Watashi wa genki desu. O sewa ni narimashita.

Neto, arigatou gozaimasu! Ai shiteru. :)

those sentences mean:

Pleased to meet you! I am Danica. I am 18 years old. I came from Davao City. Do you understand Japanese? Yes, I understand Japanese. I am fine. Thanks for everything!

Hmmm, thank you very much! I love you. :)

Hahaha.. I really need to learn more Japanese. I'm getting the hang of it! Ang saya!
Gusto ko ring mag-French! Hahaha!

***

Next week! I'm off to Davao City!
Yey! Home!

***

God bless everyone!

Sunday, December 2, 2007

ON BLUE CHRISTMAS

I'm truly honored and blessed to be part of the Ateneo Blue Christmas 2007.

mga kids ko tumatakbo para makipila sa inflatables

Blue Christmas is that time of the year where we spend one whole day with the kids (630am - 700pm) and just take care of them, play with them, talk to them. Basta, para siyang napakalaking Christmas party na sobrang daming freebies for the kids.

Actually, I planned this for our whole block (na sana kaming lahat makasama this year) since late August. Last year kasi, two of my blockmates lang ang sumali. This year, marami-rami na rin kaming sumali bilang mga facilitator volunteers para sa mga bata.
A kid from the other group, Catherine, and Colleen

'Yung mga naassign sa group ko eh mga batang ages 6-10, most of them boys, from GK Talanay, QC. Dadalawa lang 'yung naassign sa aking mga girls noh. Ang kukulit nilang lahat kasi naroon sila sa age na kunwari nagbibinata/nagdadalaga na sila. 'Yung mga buhok ng mga lalaki sa mga kids eh panay nakatayo't pununung-puno ng gel noh! 'Yung mga babae naman, nasa corner lang, kunwari nahihiya sa mga lalaki. Hahaha!

Nakatutuwa kasi noong sinundo namin (with Chicki, my blockmate) sila sa barangay nila, sobrang excited nilang lahat! Panay kaway ng mga kamay at 'yung iba pa sumisigaw ng "ateee!! kuyyaaaa!!". Grabeh, hindi ko inimagine na ganoon lang pala talaga 'yung excitement nila for Blue Christmas.

At noong patapos na 'yung araw, sobrang hinahug na nila kami ng mga kagrupo ko. 'Yung iba naman nagpapakarga. Haay naku! Sobrang saya pa kasi sabi nila hindi nila kami malilimutan, at most of all, mamimiss nila kami.

With Father Ben Nebres (President ng AdMU) and Bosing Marian (senior ng HSc)

Kahit isang araw lang 'yun, sobrang nasiyahan pa rin ako dahil napasaya ko ang mga batang 'yon. Pero, oo nga pala, hinding-hindi ko malilimutan ang batang si Peter. Sobrang payat niya, at sobrang liit to be considered a 6-year-old boy.

Habang kumakain sila ng lunch (c/0 McDo), isang kagat lang ng manok at isang kutsara lang ng kanin ang kinain niya. Tapos sabi niya sa amin, ayaw na raw niya. Akala namin gustong magpasubo, kaya sinubukan kong subuan si Peter. Kaso, ayaw na raw talaga niya. Ibabaon na lang daw niya. Hmmm... At dahil doon, napaisip kami ng mga groupmates ko.

Obvious naman kasing gutom siya, kaso gusto pa rin niyang ibalot yung mga pagkain niya. Sinabi nung kapitbahay ni PEter, na kid din namin, na 6 na magkakapatid sina Peter. Ika-3 si Peter sa kanilang magkakapatid. Dahil doon, napagisipan namin na baka gusto ni Peter iuwi ang mga pagkain na 'yon para maibahagi sa kanyang mga kapatid--sa kanyang pamilya. Moreover, pati yung mga snacks (c/o McDo, Del Monte, Coke) ay iniuwi lang ni Peter. 'Yung juice na nasa plastic cup, nilipat niya sa boteng dala-dala niya para maiuwi sa bahay nila! Grabeh! Even at the tender age of 6 (in fairness, ka-edad lang niya kapatid ko!!!), may concept na siya na naghihirap talaga sila ng pamilya niya at kailangan niyang makatulong by just bringing food given to him during Blue Christmas in their house so that he could share it with his family. Ni hindi nga mapagbigay 'yung kapatid ko eh. Tsk. Tsk. Tsk. Pinoy nga naman... Vicious circles of poverty [DS! DS! DS!!!].
Gabi na, at umilaw na ang mga lights sa Bellarmine Field!

Hindi lang 'yon ang mga dahilan kung bakit di ko talaga makalilimutan si Peter. Siya kasi 'yung biglang napatae sa kanyang shorts habang naglalaro kami. Bigla na lang akong napalingon sa kanya noong sinabi nung isa pa naming kid na "aaay! ang baho! tumae siya!" Sobrang nahiya siya from that point onwards. Hindi na masyadong nagsasalita eh. Tapos, ayaw pa niyang magpalinis kay Chicki. Kaya, buong hapon, sobrang ang baho niya. Moreover, habang naghihintay kami ng group na pumila kay Korina Sanchez, biglang umihi sa harap ng sandamakmak na tao sa gitna mismo ng Bellarmine Field si Peter. Shucks! Bigla ko siyang nilapitan at sinabi na dapat sabihan niya kami kung naiiihi na siya. Grabeh! Adventure itong batang ito! Siya na nga ang pinakamaliit sa kanilang lahat, siya rin ang pinaka-unpredictable! Hahaha! I'll never forget him.

So ayun, nakuwento ko na. Ateneo Blue Christmas is LOVE.

Totoo 'yan. It's not just being men and women for others. It's so much more than that.

Until next year guys! Magblu-Blue Christmas kami ulit!

- - -

Kk... Study time!!!
Help me LORD!

Friday, November 30, 2007

ON SLEEPING HOURS

Most people in our course gets a maximum of 4 hours of sleep.
Some HSc majors I know, gets around 2 hours of sleep every day.
While others, don't sleep at all (ginagawang tubig 'yung kape... 10 apples a day, makes even the night a day).

At least I get at most 5 hours... I just really hope Memo plus and Enervon C works. It keeps me alive.

I can't even imagine myself not getting any sleep at all.

- - -

Stat 100 - spss data
Sci 10 - read.
OrgChem lec - READ. answer the problem sets for chapters 3 and 4.
OrgChem lab - do the post lab report. do the prelab for wednesday.
Judo - practice the art of falling. hehe.
Jap - memorize the hiragana. review katakana.
DS - STUDY! REVIEW! READ!!!
Hi 165 - go to the national museum and metropolitan museum. do the 2 papers assigned. read.
Enta - review the blockings. reserve venues. familiarize the script.

20 units this sem... tsss..

- - -

Lord help me!!! x_x

Saturday, November 24, 2007

SECOND WEEK OF CLASSES PA LANG

PERO BAKIT GANITO?!

Sobrang nakapapagod na... Feeling ko end of the sem na.

LORD HELP ME!!!

Sunday, November 11, 2007

SECOND SEM NA NAMAN

Oh yes... Pasukan na naman bukas.

Bring it on beybeh! Bring it on!

- - -

God, Help ME!

Thursday, November 8, 2007

ON RESERVING VENUES

Haay naku. Hanggang ngayon hindi ko alam kung paano magpareserve ng mga venues. Alam ko kung paano magpareserve for a certain class. Pero, kung org activities na, oh well... Di ko alam. Wala akong idea. As in, nada.

I'm supposed to know that! Umattend kaya ako ng Sec-Gen seminar last summer! HAaaaah... Nada na naman... Nada!

Perteh naman talaga oh. And now, I'm supposed to reserve venues for rehearsals that will begin next next week and will run until January 2008. Hmph... I must get through this. I need to find a way.

Honestly, I have issues when talking to someone (especially kung sa isang office--na kung saan nag-iinquire ako about a certain thing). I can't really point out what that certain issue is, but then I always see myself stepping away from that situation every time I can. Ayokong kumausap sa stranger. Siguro hanggang ngayon narito pa rin 'yung "hiya" factor sa akin. Maniwala man kayo o sa hindi, lack of self-confidence kung baga.

DO I REALLY LACK SELF-CONFIDENCE? Most of my high school batch mates (or school mates) may disagree. Basta Danica, makapal ang mukha. Eh kasi naman noh, comfortable na ako with them kaya ako confident sa mga ginagawa ko. Eh ngayon, kaharap ko na ang halos kalahati ng populasyon ng Pilipinas. Nasa harap ko na 'yung semi-real world. And I suddenly feel my tongue getting smaller and smaller and smaller until it disappears.

(nail biting childhood years playing in my head)

I hope I can get through this.

I know I will.

Wednesday, November 7, 2007

FIRST SEM ASSESSMENT

Hay naku. Tapos na nga ang first semester. Buti na lang I've managed to go this far in college. Tiring, but very fulfilling.

First of all, I'd like to say na sa simula ng sem na ito, sinet ko na ang sarili ko na kakayanin ko ang sem na ito dahil sa sociology&anthropology, theology, at economics na talagang pinapakaba ang bawat parte ng aking pagkatao. Bagong-bago kasi ang theology sa buhay ko--hindi kasi ako nakinig ng "ganoon" sa mga CLE classes namin noong grade school. Bago rin ang SA. Sobrang baba pa ng mga grado ko sa economics noong 4th year high school. Hindi ko kinaya ang economics kung hindi dahil kaya Mara my seatmate (miss na kita Changmin!). I was quite confident about Chemistry (dahil sabi nina Alec madali lang) at lalong lalo na sa Environmental Science (which i really really love sa high school).

Haay naku. sa gitna ng sem, akala ko babagsak na ako sa ENVIRONMENTAL SCIENCE at sa ECONOMICS. Sobrang ang bababa (as in!!!) kasi ng mga una kong mga long tests at quizzes. On the other hand, I was doing well in other subjects. Sobrang binuhos ko ang lahat ng oras ko sa mga subjects na 'yan. Buti na lang, nakabawi ako sa economics. Pero pertehng tkte talaga oh! Perteh talaga ang prof ko sa environmental science! I can't help it! He's really so hard to please (oh, euphemism na 'yan ha). First time ako nakaencounter ng ganyang klaseng professor sa buhay ko. Akala ko 'yung magiging hatest prof ko eh 'yung isa from high school. Tsk tsk tsk... It turns out that this environmental science professor would be such a big bad surprise after all.

"We are sacrificial lambs--because life is unfair." "If I had to be the unfair guy, I would be the unfair guy..." -- quotable quotes from the ES prof himself.

Hay naku. At least noh, kahit isa ako sa 11 na nagfinals PA, I still managed to increase my grade in the end. Sayang nga lang naman oh. I might have had a quatro sem if my ES grade turned out to be an A. ES lang eh! ES LANG!!!

"ES?! Di ba, A-able 'yan?!" -- ilang beses ko itong narinig sa mga taong tumingin ng grade ko sa OAA last november 6 habang nagpapa-stamp ako ng registration form ko.

Haay naku. I guess it just wasn't meant to be. Kulang pa siguro ako sa effort. Plus, me hating the professor might have had an added effect in my whole performance in the subject. Baka nawalan ako ng gana, kaya ganun.

- - -

Evals:

Theology 121: Get Ray Aguas. I really learned a lot from him, plus he is really a fun/funny guy. He'll explain "God" to you through Kim Possible/Roadrunner/his magic tricks. He also loves debates. Our group nailed our report about being Pro-embryonic stem cell research. Naging masaya siya that day because of that! :P
Chemistry 7: You want to learn and at the same time be relieved that your prof is such an understanding person? Get Helen Cativo. You'll be so lucky/blessed to have her.
Chem 8: Ok lang naman si Ms. Terrado. Masaya ang lab kapag kasama siya. You'll experience the unexpected. Promise. ;)
SA 21: Hmmm... Read. Read. Read. Read. Understand. Understand. Understand. You'll pass.
Economics 102: GET CIELITO HABITO AND TAKE THE FINAL EXAM!!! He is the best! You can also opt to take SIMON-KING. Younger Habito 'yung dating niya--mas malakas pa ang boses.
Environmental Science 10: Get all the other ES Profs except some long-haired dude (mr. d*** f***** clue: family name lang 'yan). But then again, 'wag dapat mawalan ng gana mag-aral. Fight pa rin! Kaya natin ito.

- - -

Sa Orgs naman, I've been active sa Entablado at sa HSc-core group. Nagkaroon kasi ng play ang entablado. Kaya ayon, sumali ako sa production team para naman ma-expose ako sa theater. Gusto ko kasing umarte someday, at somehow I see that being a stage manager would help me reach that stage. I hope that I would be a better stage manager in our next production (Tanikalang Guinto).

Sa other orgs ko naman, well... I'll do my best to participate. But then, as of now, since first priority ko ang academics ko, nasa second na ang org work ko sa Enta. Ang saya kasi doon eh.

- - -

So ayun, nakapag-register na nga ako last november 6. Naku, may 7:30am classes na naman ako!!! Tapos may mga araw ding hanggang 6:00pm ang classes ko. Ambeth Ocampo, Leland dela Cruz, Apolonio at Doc Sio pa ako ngayon! Japanese pa FLC ko! Plus, deputy for stage management pa ako for the next play! PERTEH!

Haay naku Lord, I offer it to all of you na lang. Ikaw nang bahala sa akin... Sa aming lahat.

Huwag na huwag niyo po kaming pababayaan ngayong semestre. Magsilbi po sanang Gabay ang inyong mga kamay sa aming paglalakbay.

(Dr. Jugo's poem whispering in my head)

- - -

God bless everyone!

TUNGKOL SA SEMBREAK

Opo, I am back in Manila.

Haay naku, I already miss Davao City. Ang sarap kasi ng pakiramdam na wala akong binabahala (acads, org works, rent, money, food, etc.). Ang fulfilling ng buhay ko sa Davao.

Anu-ano nga ba ang mga ginawa ko sa Davao? To shorten it, nagpaka-bum ako sa bahay. As in! Imagine mo, tinapos ko ang Friends series--ALL 10 seasons mehn! Sobrang nakakaaddict kasi. Ang ganda talaga ng series na iyon. Plus, I got to cook there in the house (at in addition, overflowing pa ang ingredients doon!). Tumambay pa sina Marian sa bahay (of course, kakain kami diba). Ayun eh, wala akong oras magwork-out (as if naman nagwowork-out ako noh).

Of course di lang naman nood ng tv (dvds), kain, tulog, at pagbubum ang mga ginawa ko noong break ano! Basta, eto 'yung productive na mga ginawa ko during the break:
1. I really learned how to drive. And, I already have a license (and I prefer power-steering cars)!
2. I tutored CJ about their lessons in school.
3. I taught CJ how to sing very well. (ehem... nasa tono po ang boses ko.)
4. I asked Mare and Pare if our family is of Chinese descent. At 'yun nga... Nalaman ko na lang that my great-great grandparents were indeed pure Chinese. Chinese mehn! Chinese! Hahahaha! Plus, may Spanish/Malay blood pa kami noh.
5. I got a new-do (char). Thanks to my cousin, my ninang, at kay Mare at Pare for their support.

Oo nga pala, pumunta ako sa office ni Pare. At shucks, na-expose na rin ako sa trabaho niya. Sangkatutak na mga trucks my goodness! Buti na lang, nasa may tabing-dagat 'yung opisina niya. Mediyo nakakapag-relax na rin 'yon ng workload niya sa opisina.

Oo nga pala, nagkasundo na nga pala kami ng aso namin sa bahay, si Fudge. Buti na lang ano! Haay naku! Asar na asar ako sa asong 'yon pagdating ko sa bahay! Walang tigil 'yung pagtahol niya. Pero pagkaraan ng isang linggo, well well well--ayon, maamo na. Sobrang cute lang talaga ni Fudge, tuwang-tuwa ako sa kanya.



- - -

Last October 30, pumunta ang Illumina sa Top of the Apo sa Apo View Hotel upang ipagdiwang ang 18th birthday ni Teetin. Ang saya-saya kasi lahat kami (except for Marl dahil naka-jeans+shirt lang siya!) nagformal attire. It was just like it was prom again. Ang ganda ng reception, ang sarap ng food, at most of all, ang sayang makasamang muli ang Illumina. Ang gaganda't gaguwapo naming lahat that night. Tuwang-tuwa pa ako dahil hayok pa rin sa camera ang Illumina. We are really Camwhores--but in a good way. At of course, nadiscover ko rin ang potentials ko sa photography.

for more pictures, just visit my multiply site. Of course, you have to add me first as a contact before you could view the pictures.

Belated happy birthday ttn! We love you!

- - -

After Ttn's debut, nagsleep-over sina Marian, Ceejay, Kbo, at Rain sa bahay namin. As usual, nanood muna kami ng movie (kung saan nakatulog si kbo at ako). After that. chikahan (kung saan tinulugan kami ni kbo... tsktsktsk). Pero the next day, nag-magic sing kami at kinantahan pa kami ng kapatid ko. In fairness ha, we had fun! Sa December na ulit! Yehey! I can't wait to come back home!

MARIAN GWAPA NA KAAYO KA!

- - -

Driving is easy. Yes it is. You just have to have the proper mind set and the courage in order to drive well. Watch out for taxis and motorcycles though--oh yes, they can really be tricky.

Huwag kang unahan ng kaba kung bigla kang huminto sa gitna ng crossing. Promise. Handbreak + hazarding will do the job for you.

The handbreak, break, clutch, and hazard button are my bestfriends in the car. Seatbelt din pala.

I can't wait to drive again! Sobraaa!

- - -

Ano pa bang sasabihin ko dito? Hmmm... Well well well... Oo nga pala, tumaba kapatid ko. What an achievement! Hehehehe. Ang tindi na kasing kumain ng kanin at ulam ngayon eh. Sobrang tindi ring kumain ng mga cupcakes (lalong lalo na kung ube flavor). Wala lang, natutuwa lang ako kasi nagiging matabang malusog na bata na siya. Ang cute cute pa!






- - -

Haay naku.. 4 more days before the semester starts. Rest days muna please.

Monday, November 5, 2007

OH HAPPY DAAY!

THANK YOU FOR EVERYONE WHO HELPED ME GET THROUGH THE FIRST SEMESTER.

I can't possibly thank you enough.

I LOVE ALL OF YOU.

Thank you God. :)

Friday, October 26, 2007

ABOUT MONOCHROME28

I was thinking of changing my blog url ever since I was told about something earlier.

I guess I'm not that comfortable that some people that I don't want to be reading this blog may indeed be reading what I write--my thoughts, and some of my innermost feelings.

Haay naku.

- - -

I guess I just really want things to be all right.

Tuesday, October 23, 2007

HOME SWEET HOME

Yes... Nasa Davao City na nga talaga ako since October 14.
And Yes.. Hindi pa po ako lumalabas ng bahay/nakikipagkita with friends dahil gusto ko po munang lubusin ang comforts of my own home. I missed my family so much. Plus, I also want to be close with our new dog. Ang tindi kasing tumahol noong nakita niya ako for the first time last April. First time kasi niyang makakita ng magandang dalaga.

Anyway, tapos na ang first semester of my second year in college. Yehep. I don't really want to talk about it right now since I'm not comfortable using Pare's laptop. I prefer to use my own computer back there in my dorm in QC when I blog. So, for my end-of-sem rants, stories, and some gossips (hehe), it would be posted around November 5th.

I just enlisted online earlier. And I'm quite satisfied because of the fact that aisis is already fast this time (well, compared to my 6-hour-enlistment last May for the first semester). Pero 'yun nga. Kinakabahan ako and at the same time excited for the second sem. I know it's going to be tougher this time (with Ambeth Ocampo, Leland, Doc Sio, Judo, and Japanese altogether in one semester). But then again, who knows? I might pull this off better compared to the past semesters.

- - -

Haaay naku. Ayan na muna. I still have to teach CJ how to sing Especially for You.
Heheahaheheha...

- - -

P.S.
My cousin Angel is crazy about Chris Tiu.
Sobrang naloloka siya kay Chris Tiu.
Kaya naman, noong pumunta dito sa Davao City si Chris last Saturday,
Hala Ayun, ang taratitat rumagasa papuntang airport.
Well, at least she finally got her dream. Nakapagpapicture na siya with Chris Tiu. And to think ha, naunahan pa niya akong magpapic kahit na lagi ko pang nakikita si Chris sa school.
Plus, may laminated "Angel, Take Care Always, Chris Tiu #17" pa siya ha!
Tsk. Tsk. Tsk.

Hmmm... Ngayon alam ko na kung anong dapat iregalo sa akin ng mga blockmates ko for Christmas/my birthday. Hehehe.

Sunday, October 7, 2007

YEAAAHUH

FINALS WEEK NA!!!

And then I'm off to Davao this Sunday!

YES! I'm finally going back home!

Friday, September 7, 2007

BREAK MUNA

Actually, siningit ko lang itong pagbla-blog sa schedule ko. Sa totoo lang, may nakapila pa akong theology report, chem prelab at postlab, at long test sa chem. Gusto kong magblog ngayon kasi... Masaya ako.

Hehehe... Oo! Despite all the stresses, masaya pa rin ako.

Sobrang dami nga naming ginawa sa acads pati na rin sa org ko. Oo, katatapos lang ng unang produksyon na sinalihan ko sa theater org kong Entablado last September 1. Naging masaya ako sapagkat kahit na sobrang tindi ng mga rehearsals gabi-gabi, nagkakaroon pa rin ako ng tamang oras para sa aking mga academics. And to think that despite all the demands of being a stage manager / front-of-house / promotions member for the production, Buwan at Baril, sobrang ok pa ang mga nakuha kong grado sa mga long tests ko! Thank God talaga at nakabawi ako sa lahat ng academics ko!

Tapos na nga ang production, kaso, nagkaroon kami ng acting workshops last wednesday at kaninang hapon. Ang saya-saya ng mga acting workshops kasi nadidiscover ko yung mga kakayahan ko iba't ibang mga exercises na pinagawa sa amin ng mga facilitators. Sobrang nakatutuwa rin ang mga kasama ko sa org--siguro dahil the same ang aming passion sa buhay--ang theater. Sobrang nakatutuwa pa kasi pagkatapos ng acting workshops, sinabi ng mga facilitators namin na kami ay mag-aact sa NEWBIE play ng ENTABLADO sa susunod na semestre -- sa NOVEMBER!!! November 25, 26, at 27 ata... basta ayun!

OHMAYGAAAHS! Makakapag-perform ako sa totoong play ng isang theater org sa Ateneo!!!

Sana nga lang matuloy yun... Sana!

Hindi pa nagtatapos doon yung kwento ko kung bakit ako masaya. NAgkaroon kami ng "contest" sa chemistry last wednesday. 135 students ang sumali sa nasabing contest. Eh kasi naman noh, may nakaakibat na bonus na makakamit namin sa chemistry class kung sasali kami sa nasabing contest. Actually, hindi ko plinanong manalo o makapasok sa next round ng kumpetisyon. Iniisip ko kasi may mas nangangailangan pang tao ng bonus sa chem kaysa sa akin (choz!). Kaya naman, hindi ko sineryoso yung test. First test yon in my life na hindi ko nireview ng todo. Wala akong binurang sagot sa test na iyon. Kung anong natipuhan kong sagot, iyon ang sinulat ko sa papel.

Pero perteh. Nakatanggap ako ng e-mail kanina mula sa mga coordinators ng nasabing contest.

Oo... Nakapasok ako sa susunod na round ng chem contest na iyon. 21 kaming nakapasok. Perteh. Hindi ko alam kung ano talaga ang aking nararamdaman. Oo, masaya ako pero noong naisip kong may mas nangangailangan pa ng bonus points kaysa sa akin, ayun parang nakonsensya ako. Sana hindi na lang ako nag-isip during the competition. Hay naku... ewan.

Ayun, so magcocontest na naman ako sa September 12. Amazing race daw yung gagawin namin that day. Sana hindi ako mapagod ng husto... May chem long test pa ako sa darating na Biyernes noh.

Tapos ngayong gabi, nagluto ako ng carbonara for my roommates! I just loooove cooking! Ang tagal ko nang di nagluto eh. Ang saya! I still have that touch in my specialty. But next time, hindi ko na lalagyan ng all-purpose cream. And plus, dadagdagan ko ng mas marami pang recado para masaraaap!!

Anyway, ayun. BUkas, tatawagan ko sina Mare, Pare, at Olot bukas sa bahay ni Kuya Jon. Tito Et is in town... Sana may pasalubong ako from him!

Oh sige... I think I'm going to be busy this month, until October! Huling pasabog na ito before the sem ends! Seseryosohin ko naaa!

God bless everyone!

---

Oct 14 -- UUWI NA AKO SA DAVAO!!! YEAAH!

Wednesday, September 5, 2007

CERTIFIED XOCOHOLIC

Ciara, Alec, Rae, Jason, Tal, and I went to Casa Xocolat earlier this evening after eating in Ken Afford for dinner.

Wala lang, ishe-share ko lang ang realization ko ngayong gabi. I found this message written on the restaurant's cups as they served hot chocolate drinks for us.

Dark Chocolate is packed with potent heart-healthy antioxidants.

It also makes for one happy body because it contains phenylephylamine---the same hormone the brain releases when you fall in love.

Wow... Lalim.

Wednesday, August 29, 2007

SIGH

I miss eating good food three times a day without getting broke every after meal.

I miss the comforts of my own home.

College deemed its stand in torturing me---harassing me with all its dehumanizing whines and demands.

And there's still a long long looong way to the finish line.

Yet, I've managed to get this far.

And because of that, I'll never give up.

So, bring it on baby! I'm ready!

---

College, be not proud; though some have called thee
Mighty and dreadful, for, thou art not so,
For, those, whom thou think'st, thou dost overthrow,
Die not, poor college, nor yet canst thou kill me.
From rest and sleep, which but thy pictures be, 5
Much pleasure, then from thee, much more must flow,
And soonest our best men with thee doe go,
Rest of their bones, and souls delivery.
Thou art slave to Fate, Chance, kings, and desperate men,
And dost with poison, war, and sickness dwell, 10
And poppy, or charms can make us sleep as well,
And better then thy stroke; why swell'st thou then;
One short sleep past, wee wake eternally,
And college shall be no more; college, thou shalt die.

Death Be Not Proud [revised version; death = college] by John Donne

Saturday, August 25, 2007

SALAMAT

I had a bad dream last night. For a moment, it was as if my heart stopped beating.
Parang totoo talaga ang lahat ng pangyayari sa panaginip na iyon. Hindi ko inakala na panaginip lang pala.

I woke up at exactly 5:41am because of that dream. At sobrang bigat pa ng feeling ko pagkagising ko. Parang nasa may leeg ko na nga yung puso ko eh.

Thank God it was just a dream.
I couldn't thank Him enough.

---

I miss my family!!!
Sobra!
Pare, Mare, at Olot... I miss all of you!

---

One more month to go before the sem ends... I have to fix all of my academics and extra-curricular stuff. Kaya ko ito. Oh yeahs..

Sige, mag-aaral na ako.

God bless people!

Sunday, August 19, 2007

HAAY

His Majesty, The Lord, rewards great sevices with trials, and there can be no better reward, for out of trials springs love for God.

-- St. Teresa of Avila

Friday, August 17, 2007

LONG WEEKEND

Haller. Bayo beybeh. Bagyo.

In fairness, umuulan na talaga ngayon!!

At dahil sa bagyo, nagkaron kami ng 6-day weekEND. Wow... Parang naka tatlong weeks na weekend na rin yun ha. Weh... Ang labo ng tinaype ko.

At dahil doon, magpapahinga na muna ako. Thank God for allowing me to "rest" after all these stresses.

But then again, nakatambak pa ang mga SA at Theo readings ko sa table. I'd better catch up before it gets too late. May dalawang chem long tests pa ako next week!!! (voice: yakang-yaka mo 'yan, 'neng!) Yes, kaya ko 'to beybeh! Kaya ko 'to!

Status ko siguro sa Y! Messenger ngayon eh "Busy" or "DND". Eh kasi naman noh, ang dami-dami kong ginagawa. Acads, Org works, dorm chores, sleeping... ang dami! Nagtatampo na nga rin sina Pare at Mare dahil hindi ako nakatatawag sa kanila. Wala pa akong credits ha! Meron nga akong dalawang cellphones, pero wala namang laman! HANUBAYAN?! Kumusta naman 'yon, diba? Financial constraints just makes everything a bit too strenuous and grueling. Shet... Hahaha!

Haaay naku. Anyway, balik na ako sa mga readings. After that, magpapahinga ako ulit. Sleep debt ko kumokonti na (THANK GOD). Plus, my cooking skills are getting better as the days go by.

Pictures will be posted in my next entry. Anyway, God bless everyone.

Wednesday, August 15, 2007

HALLER

Hay naku. Di ko talaga alam kung anong ibla-blog. Si Pare kasi eh, nag-email na sakin. Hindi na raw kasi ako nagpopost ng entry dito sa blog (yeahs, binabasa po ng ama ko ang blog ko--opo, marunong pong mag-internet / gumamit ng computer ang ama ko--mas matindi pa nga yung laptop niya kaysa sa'kin eh).

So napagisipan ko na magsulat na lang tungkol sa mga naganap sa araw na ito.

Oo nga pala, ang lakas ng buhos ng ulan dito sa Katipunan. Lalo na kanina. 9am kasi ang class ko, so ng mga 8am, ready na ako for school (perteh, ang aga!). Tapos sobrang tindi ng bagyo! Ang lakas pa ng hangin! Ang nakakainis lang eh wala pang official announcement ang admin ng Ateneo regarding the suspension of classes.

Paglabas ko pa lang ng room eh sobrang binaha na yung pathway namin palabas ng dorm! At since nakatsinelas ako, ayun, dinive ko na lang yung paa ko sa tubig--mababasa naman talaga yung paa ko kahit anong mangyari eh.

Takte, ang tindi pa ng current ng baha sa labas ng dorm! Ang lamig-lamig pa (and to think na naka-shorts, jacket, at payong ako ha--Muay-Thai kasi PE ko). Nakaiinis yung mga tricycle driver na yan ha! May mga piling trike driver lang na mababait. Since nakita nilang traffic sa may ateneo, ayun, hindi na sila nagpapasakay!

So ayun, naghintay ako ng ilang minuto para sa trike. At habang naghihintay ako, sobrang nababasa ako ng ulan. Buti na lang may dumaan na trike na pinasakay ako.

Habang papasok ako ng trike, of course, dinive ko yung paa ko sa rumaragasang baha. PERTEH! Biglang naputol yung (something) ng tsinelas ko! Putol na yung tsinelas ko!!! At takte, di na maaayos kasi putol talaga!!! Irrepairable!!! HAVAIANAS PA NAMAN YON!!!! Regalo pa naman yun ni Tito Et! PERTEH!!!

ARGH. So ayun, wala na akong Havs.. :(

Useless pa yung pagtatrike ko, sobrang pinasok pa ng ulan yung loob ng trike. So basa ako, plus basa rin si Manong driver ng trike. Feeling ko nga pati underwear ko basa eh! Waa...

So ayun, drinop na ako sa CovCourts. Perteh! Sobrang nahirapan kaya ako kasi putol nga tsinelas ko. Buti na lang nakita ako ni Mars at hinanapan niya ako ng tsinelas (tsinelas ni Anna!) para makapunta sa Martial Arts area for my PE.

After a while biglang inannounce na SUSPENDED ANG CLASSES! HUWAAW DIBAH?! PERTEH! Naligo na nga ako sa ulan, basang-basa pa ang mga damit na suot ko, naputulan pa ako ng tsinelas, NAGISING PA AKO NG MAAGA!

Aaaah.. Life. It tends to be unpredictable.

Sana may magregalo ulit sa akin ng new pair of Havaianas. Wala na akong tsinelas... :( (Pare, nagpaparinig ako... Sana pakinggan mo.)

So ayon, may bagyo nga.

So paano ako nakauwi? Buti na lang pinahiram ako ng napakalaking sapatos ni Aaron. Isipin niyo, size 9 lang paa ko. Size 11 yung sapatos na sinuot ko kanina! Sobrang barko na yata yung suot ko kanina eh! Tapos pinasabay pa niya ako sa kanilang kotse pauwi! Salamat!

At bukas... Bukas walang pasok! Lalakas pa raw ang ulan eh!

Anyway, yun lang po.
Yun lang.

>>>

Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi. Bawi.
Bumawi ka beybeh! Bumawi ka!
Kaya mo yan! Alam kong kaya mo!
Kaya mo yan beybeh! Kaya mo!
Yakang-yaka mo yan beybeh!
YEAHzz!

God bless everyone!

Thursday, August 2, 2007

A MESSAGE TO THYSELF

You aren't being punished...

You just haven't been rewarded yet.




Be
Optimistic.

You Can.

Friday, July 27, 2007

THOUGHTS ABOUT COLLEGE

Actually, these are random thoughts about my course.

I really want to be a doctor. Yeah. Super.

Kaya lang, sobrang tinatadtad na ako ng course ko.

For three weeks, I had several long tests in each of my subjects. Insufficient pa nga 'yung hours ng tulog ko. Plus, I didn't really do well in some of my long tests. At perteh pa 'yung isang subject ko na A-able sana kaso may perteh akong prof na super doooper perteh kung magpa-quiz at hanggang ngayon eh hasta-pasado lang ako sa lahat ng quizzes niya. PERTEH.

Haaah. Yes, I really have no right to complain about all of these loads kasi may iba pang may mas matitinding karanasan about their college loads compared sa akin. May ibang walang tulog, nag-aaral nga kaso hindi pa rin pumapasa... Hay naku. Ewan. Writing in blogs tends to limit my thoughts from blabbing. Ang bilis kong mag-isip, kaya lang di mahabol ng mga kamay ko yung bilis ng pag-iisip ko. PErteh. 'Yun din ang nagiging problema ko sa mga exams.

Perteh. Enough of this.

Buti na lang may Grey's Anatomy na nagpapaengganyo sa aking mag-aral at minsan din ay nagiging source ko ng inspirasyon upang maging physician... surgeon sana.

"I can't think of a single reason why I should be a surgeon, but I can think of a thousand reasons why I should quit. They make it hard on purpose... there are lives in our hands. There comes a moment when it's more than just a game, and you either take that step forward or turn around and walk away. I could quit but here's the thing, I love the playing field."
---Meredith Grey

>>>

Ok guys. This is all for now. I think I'm getting thinner as the days go by. Hahaha.

By the way, ATENEO WON against DLSU. I didn't really expect such event to happen considering the one-year time off of DLSU in UAAP. Pero, ang saya ng game! Good job, basketball players!

This game made me realize that indeed, miracles do happen.

>>>

God help me. It is good as done.

Monday, July 23, 2007

A REMINDER TO THYSELF

Danica/Gem-Gem, you need to

MANAGE YOUR TIME EFFICIENTLY!!!
MANAGE YOUR TIME EFFICIENTLY!!!
MANAGE YOUR TIME EFFICIENTLY!!!


First year high school pa 'yang proper time management!

Dapat ngayon kabisado mo na yaaaaaan!!!

Friday, July 20, 2007

TAKING A BREAK

Goodness... Katatapos lang ng Health Sciences Amazing Race kanina. Thanks for all the people who participated in the race! Without you, wala talagang race na magaganap. Salamat guys.

Sa Core ng HSc Amazing Race, I love you all. Thanks for all the hardwork.

And to God, for listening to my prayers during my SA class. I am loved.

***

I could have done better. Complacency kills you. I'm doing the same mistakes over and over again. Sabi nga ni Meredith Grey,

"What's worse, new wounds which are so horribly painful or old wounds that should've healed years ago and never did? Maybe our old wounds teach us something. They remind us where we've been and what we've overcome. They teach us lessons about what to avoid in the future. That's what we like to think. But that's not the way it is, is it? Some things we just have to learn over and over and over again."

I have to do this better next time. I have to. I need to.
I don't want to feel this pain any longer.

***

God help me.

Saturday, July 7, 2007

UPDATE!!!

Yey! Saya. Ngayon na ako muling makakapagblog!

Hurray for me!

So, let's start off with this event: ORSEM 20007 : Soundcheck

Last Apr-May, I auditioned to be a TNT (Talk and Tours) for the orsem. Sila yung mga naghahandle ng mga freshies during the orsem. After two interviews and three training days, yey, TNT na talaga ako! Sobrang nakapapagod, pero hindi mapapalitan ang saya na binigay ng event na ito sa akin. It was such a GREAT way to start this school year! I'm glad I started this out RIGHT.

Naging partner TNT ko si Kuya Nonon (3-BS Psy) at naging Sec-Mob Log ko si Nicole. Sobrang saya ng trio namin, kaso sayang nga lang noong na-late si Kuya Nonon noong first day ng Orsem. So, naging solo-TNT muna ako for that day. Tinulungan naman ako ng ibang mga TNT volunteers (salamat nga pala kay Aids). Hinandle ko pala ang block XX1. Block 'yan ng health sciences majors kaya naman hindi na ako masyadong nahirapang i-handle sila. Mababait naman silang lahat. May mga makukulit, medyo may mga mabagal maglakad... The usual freshmen. May mga magaganda, pogi (:P)... At marami pang iba. Masaya nga ako kasi naging close ako sa mga freshies ko. Sana somehow na-touch ko ang mga buhay nila... Sana nga...

Nakapapagod talaga, pero yun nga, masaya! Oo nga pala! Starstruck ako noong Orsem!!! Haay naku, kasi naman oh, pumasok sa Ateneo si Rica Peralejo!!! Oo! Sobra! Ang bata kaya niyang tingnan. Lunch show noon, kaya naman naisipan kong magpa-picture with Rica. Buti na lang nandoon si Faller kaya naman nakapag-pic ako with Rica. Mukha talaga siyang college student. Hindi halata na medyo may edad na siya! Ang bait pa niya!

Wow! Thank God for giving me the courage and the energy to become a TNT! Mago-audition ulit ako to become a TNT next orsem! TNT now, TNT forevaah!!! haahah!!!

Okay... So next update! DEBUT NI TAL!!!

Oh my oh my! Sobra kaya ito! Ang tindi talaga ng pagmamahal ng Illumina kay Tal! Biruin mo, sobrang pinaghandaan talaga ang dance performance at ang skit presentation. Naging emcee nga pala kami ni Kbo sa kanyang debut. Of course, habang nageemcee kami ni Kbo, may mga sinisingit kaming mga jokes--as usual. hehehe... May mga iniignite kaming mga tuksuhan--mga Dodong-Inday, KaMor, etc. Kaso di pwedeng tuksuhin si Tal with her lovitoots na si Ching. Hehehe.. Mahirap nang mabisto nina Fedeserio at Lea eh. Hahaha! Napressure ako ng konti kay Granny Gloria ha. In fairness, medyo demanding siya (peace, TAL) hehehe. But then, over-all, ok naman siya. Mabait na rin. Sabi nga ni Tal, intindihin na lang daw siya. Hahaha...

Ang masaya pang bagay tungkol sa debut ni Tal is the fact that it serve as a semi-reunion to most of the Illumina people! As in!!! FIRST TIME KONG NAKITA ULIT SI AIKO AFTER ONE WHOLE YEAR!!! As in, sobrang saya ko kaya!!! Idol ko siya sa pagkanta eh. SObrang nabighani na naman ako sa kanilang song number nina Hubs at Ttn! Nakameet pa ako ng new friends like Kitty and Jayce (tama ba ang spelling?). Ang saya talaga ng debut ni TAAL! And of course, how could I forget Tal's cousins? Cuzinz talaga niya sobrang ang tindi ng mga genes! The Camarao blood was reigning that night! Lalo na yung si Kuya Odjie ba yun? ahahah! Joke lang Tal!

Sayang nga lang kasi na-lowbat ako. NiyaH!! Hindi tuloy ako nakapagkuha ng mga pictures. Sayang tuloy! Ang gaganda't gagwapo pa naman namin that night. Cocktail + Long sleeves na black or white. Oh Yes. And Crystal was at her best that night! Ang ganda talaga ng friend ko... Mana sa the Force. Hahaha! June 16 was the best!

Next update: 2nd year na kami! SOPHOMORES NAA!!!

Yes mga kaibigan. Time really flies so fast that we couldn't keep track of everything! And now, I have an extra busy schedule. Yeah, my English and Filipino life in Ateneo was over. Pero naman oh! Perteh! Pinalitan ito ng Theology and Sociology and Anthropology (ang nakababaliw na Philosophy and more Theology ay darating pa next year!). Basa. Read. Basa. Read. HAAAAAAH! I have to give extra effort in the readings!

Hah! May Economics na naman kami! Naku Ma'am Muico, sapian mo ako! Ang tindi pa ng prof namin ngayon. He worked with Pres. Ramos before--si Dr. Cielito Habito. Kasabay pa namin ang mga Eco-H at Eco majors sa Eco102! Nakuu... Plus Chem... CHEM!! Sobrang gusto ko pa naman ng Chem... Kaso ang chem namin ngayon sobrang pinahirap! May mga prelab na ngayon sa chem, plus may postlabs pa! Extra-strict din sila ngayon. You really can't predict everything in Chem nowadays, unlike what it was in high school. College na talaga!!! COLLEGE!

Sa Orgs naman. I've decided that I have to be at least active in one of my orgs and join some orgs para naman magkaroon ako ng maraming kaibigan at mahasa pa ang mga kakayahan ko. COA-ExTeam member na ako since summer. Of course gusto ko ring magpaka-active sa other orgs. So, I joined the Pre-Med Society of the Ateneo, Ateneo Comelec, and of course, Enterteynment Para sa Tao, Bayan. Lansangan, at Diyos (ENTABLADO). Sobrang nasiyahan ako sa Enta! Ang saya-saya ng mga tao doon, plus I really love to act. Kahit na magtrabaho lang sa production ok lang. Socio-Political Org pa ito. Naghahayag sila ng mga isyu na kailangang harapin nating mga Pilipino sa paraan ng teatro (yesss...). I do hope I will be able to do a good job for my orgs this year. I want to strive harder. I don't want to blow these orgs off this year. Yes! Kaya ko ito!

Hala, sobrang tindi naman nito. Nag Muay-Thai pala ako for my PE! Sobrang nakapapagod! Pamatay! Buong katawan ko nanginginig at naninigas sa sakit ng mga pamaol! Pero, ang saya ng Muay-Thai. Kasama ko kasi mga kablock ko sa PE eh. Kaya naman nagiging masaya ang lahat ng mga ginagawa namin. :) The best talaga ang XX(2010)! The BEST DAMN FREAKIN' BLOCK EVAAH!

Stress. That's the word for the year guys! Yes. This year would be one of the most challenging years in HSc. Haaay naku. Kakayanin namin itong lahat! Baka matae kami nang wala sa oras pero ok lang! Game pa rin!

Oo nga pala, I moved to Room 1-C since May 1! Simula noong June naging kumpleto na kami rito sa room. Kasama ko si Gemma (1 BS AMF) at si Sherry (1 BS HSc). Yey! Masaya! Hehehe. Haay naku. But then again, nami-miss ko pa rin ang the one and the only, the most emo person I've ever known--si Ate Mian!!! Kung nasaan ka man ngayon Ate Mian, I wish you all the best in life! I miss you roommate! Sana makahanap ka ng pogi sa Canada! That's the spirit!!! Hahahaha!!!

***

Haaay Naku Lord. That was such a long entry. Anyway, at least you had a glimpse of my life nowadays. Sorry kung minsan di na muna ako nakakapagblog mga readers. Busy ang buhay college eh. Priorities first, ika nga. And I want to make this year a memorable one. Yes.... Ang saya-saya!!!

Lord, help me..

***

Tama, all of the pictures I took recently are available in my multiply site. But then again, you still have to add me before you can view the pictures. Of course, sabi nga ni Pare, mahirap nang kumakalat ang mga pics sa net! Hahaha! Privacy! Privacy!

but then again i guess not all people care about the privacy of another in this generation. rubbish.

***

God bless everyone!!!

Sunday, June 24, 2007

ON BLOGGING

Dapat about the orsem itong post na ito. Kaso, gipit na naman ako sa oras.

Dapat next friday makapagblog ako ng mahabang mahaba! hehe.

Anyway, napansin ko lang ano, tatlong taon na pala akong nagbla-blog.
3 years na pala itong beloved blog ko!
3 years na akong nangungulit sa net!
3 years na akong daldal nang daldal dito sa net!

haay naku. 3 years na pala.
Ang bilis naman ng panahon.

Ngayon, may blog na ang Illumina!

just click this

ILLUMINAte

to check out the site.

Kelangan kong magback-to-blogging. I miss it. I miss my readers (hehe... kahit imaginary ok lang!).

Oo nga pala, I moved my Photo Blog from photobucket to multiply.com. Hindi ko tinanggal yung mga pictures sa photobucket ha. Nandoon pa rin ang mga iyon. Pero, from now on, sa Multiply na ako magpopost ng mga pictures guys. Therefore, you have to add me sa multiply para ma-view ninyo ang mga pictures. :P

Click this link to view my multiply site.


O sige na mga pare at mga mare. Mag ke-chem pa ako.
God bless everyone!

Sunday, June 10, 2007

HAAAA! SUMMER

Yess... Ngayon lang ako nakapag-blog ulit guys... Hah... Obviously.

Nabigatan ako sa load ko last summer. I now understand why there are only six units required for us to take during the summer semester. Tkte... Perteh! Nag-nine units pa ako. Harder to breathe, harder to cope up with lots of requirements.

I already received my grades. I could have done better.

Anyway, Illumina gave me a surprise birthday party last Apr. 28, 2007 sa Shakey's-Katipunan. Surprise sana, kaso nabisto ko kaagad. Haha... Pero, salamat pa rin Illumina!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Gift nila sa akin.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
The People sa Shakey's. Taken by Cecile.

SALAMAT ILLUMINA!

>>>

Before the summer sem started, our family went to Leyte to visit our relatives. Tumaba ako sa Leyte, I knew it. Tulog-kain-higa-tulog-kain. Ganoon ang buhay ko roon.

Pero, ang saya ng mga ilog at beaches doon. Ang linis kasi... Sobra!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Emo pic

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Sa may pantalan around 5pm

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Ako at Dad. Pic after maligo sa ilog.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
ako at si Ma

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Cj at si Ma

Nangitim din ako. Hahaha...

>>>

Tama... I have a new pet dog named Fudge. Sinabi ko na 'yon sa entries ko before. Eto naman ang pic niya:

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Si Fudge. Ang Bakla kong aso.

>>>

Sorry for a boring post. Alam ko boring.
Sorry ulit.

>>>

Miss ko na si CJ.

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
I miss you my kapatids.

>>>

I've been busy with COA (council of organizations of the ateneo). Org ko kasi ito. Hinding-hindi ko na ito pakakawalan! Seryoso na ako sa COA! GO! OH YEAH!

Appointed na ako as Mgr for Logistics. HA! Help me Lord!

Plus, I'm also a volunteer for our feeding program sa Health Sciences. OH YEAH!
Gagawa na kami ng Health Sciences ORg! OH YEAH!

And now, I'm planning to join Entablado. I have to make good use of this talent... :P

>>>

Nagapply ako for a TNT (Talk and Tours) spot for the Orsem 2007.

Thank God I passed after 2 pertehng interviews and 3 training days!!!

NAKAPAPAGOD!!! pero... sobrang SAYA!!!

nakapagpicture pa ako with RICA PERALEJO! hahaha!

>>>

Next post: about SOUNDCHECK: Orsem 2007.

Tuesday, May 8, 2007

I AM

B U S Y

with school work,
with some org works,
and with my new room here at the dorm.

sorry I can't seem to update often even if I have a 24/7 internet connection here in my dorm.

babawi ako next time! pramis!

>>>

God, please help me...

Sunday, April 29, 2007

MABILIS LANG ITO

Ang sarap ng buhay bilang si Danica Pasia.
Lalo na nang makilala ko kayo, Illumina.
Tinupad niyo ang selebrasyong inaasam ng puso ko.
Binuo niyo ang napakalaking guwang sa pagkatao ko.
Salamat sa simpleng sorpresang handaang pinaghandaan niyo ;) para sa akin.
Salamat sa dambuhalang birthday card na ginawa niyo para sa akin.
At salamat salamat salamat sa walang hanggang pagkakaibigang inialay natin sa isa't isa.
Salamat. Salamat. Salamat!


Next post, isasalaysay ko na ang LAHAT ng mga pangyayari. Pramis.
Lilipat muna ako ng room sa dorm.
O siya, sige. Ayun lang.

God bless!

Saturday, April 28, 2007

DISE OTSO

Happy birthday to ME!
Happy birthday to ME!
Happy birthday
Happy birthday,
Happy birthday to ME!


When I was around 6 or 7 years old, Ate Cel (my yaya) and I were talking what it would be like when I'll celebrate my 18th birthday. Back then I didn't have any idea about the whatevers of having a debut. In fact, I didn't even know how to spell debut during that time.

She said that I would have a very big celebration in our house or in a 5-star hotel in Davao city. She added that I would have a very gorgeous gown, and my parents would be so proud of me. Lahat ng Bangkal imbitado! Lahat ng Pasia imbitado! Lahat ng Pureza imbitado! Lahat! Lahaaat!

I really really looked forward into having that kind of celebration...

And now, I'm 18. Debut ko na.

And where's the celebration? Haha... Simpleng simba na lang... Actually, I'm just going to visit the chapel here in school. Apparently I still have 2 group works to do at 2pm and at 3pm. As you get older, you tend to be more conscious of how you spend money. At since krisis ngayon, tipid muna.

I'm just going to make this a simple celebration... And I'm just going to keep it to myself.

Haah...

Again, Happy birthday to ME!

Sunday, April 22, 2007

BUHAY NG WALANG INTERNET

Perteh. Wala akong internet connection sa dorm. Pinutulan ako ni Elaine. Sa May na siguro ako magpapakabit sabay ng paglipat ko ng room sa 1C.

Naku, ang dami ng mga nangyari for the past weeks. Hindi ko kayang pagisa-isahin ang lahat ng mga ito ngayon kasi nasa internet cafe ako. Plus, nagtitipid pa ako.

Hala tama, magb-birthday na pala ako.
Tiguwang na jud. 18 na ako eh!

Limang tulog na lang! 18 na ako! (sa april 28 mga tao... don't forget to greet me!!)

At eto, gagawa ako ng wishlist (na alam ko namang di effective at di ibibigay sa akin ng mga tao because I tried it before pero parang wala naman talaga akong nakuhang ganoon from them.) para sa nalalapit kong kaarawan:

- Microsoft Vista ('yung Ultimate ha.) dapat original
- Ibigay niyo sa akin 'yung laptop ng Pare ko. or better, bigyan niyo ako ng Laptop (Compaq/HP or Apple only)
- Bagong muscles sa shoulders at near my vertebrae. Sumasakit eh. I need a massage!!!
- Condo. Dapat suite ha... Plus, malapit sa AdMU.
- Membership fee for the Moro Gym.
- Trip to Boracay!
- Trip around the World!
- Ticket every break papuntang Davao at pabalik ng Manila!
- Pamaypay ng maganda. Sobrang init kasi dito sa Manila.
- Fitness gloves... :P
- Chux. Converse na shoes. Dapat black or denim 'yung dating para masaya.
- Utak na matalino.
- Surprise Party... Ginagawa ko kasi 'yan sa mga friends ko. Sana ako rin gawan nila... (nagpaparinig ba?)
- Sangkatutak na masayang jokes. Hindi corny ha. Expert na ako sa corny eh. Gusto ko naman 'yung mga masaya. Namimiss ko na kasi 'yung mga ganoon eh.
- BRING MARIAN HERE IN MANILA.
- Sana manalo sa eleksyon si Chiz Escudero.
- Spy Gadget. PLEASE!
- Help me in History, Fil, and Psy.
- Yacht.
- iPOD?
- Maganda at nakaiiyak na LETTER for me from you. Pinaghandaan ha!
- and last but not the least, WORLD PEACE.


O ayan. Sana naman ngayong 18 na ako, makuha ko ang at least 5 diyan.

Basta...

GREET ME ON MY BIRTHDAY! IT'S ON SATURDAY ALREADY!

Thursday, March 29, 2007

FOR THE KG OR WHATEVER YOU CALL IT...

The best thing
That ever happened to me
Or the best thing
That was ever given to me
This school year
Was the
Most Unexpected Thing
That could ever happen in
My Life...

This school year,
I've been inclose friendship
With the
Most Unexpected People
In our batch.
Actually, di naman talaga unexpected
Pero, unexpected pa rin.
Ang Labo...

Anyway,
Without Them,
I could never have conquered my first year here in college.
Conquered in the sense that
I could never have been
That emotionally stable
If they were not there.
I could never have been
Academically stable
If there's such a term
If they weren't there

It's like having a
Security Blanket
I mean,
A Security Blanket
Which is Full of Life.
I Never had a dull moment
With these girls.

Ice Cream
Cake
Happy Homes
Or
Even the crispy Anchovies worth 58 pesos
Had never been that more delicious
More tasty
And more fulfilling
Until I ate those with them

The Secrets
I've now learned to
Keep My Mouth Shut
And Keep all of those words
And experiences
In My Heart

Oh. Ang Labo Ata Nun Ah.
Basta, eto lang ang masasabi ko...

WHY?
Why would everything end
When everything seems to be going all right?
Why
Why would we need to separate ways
When everything says
That we must all be together?

Ang labo ulit.
Basta eto lang.

I will Miss You
Tal
Bex
Cia

...

Katipunan will never be the same without you.
I think I'm gonna eat Happy Homes
All by myself from now on.

But I'll never regret
What we had.
And
I will and always
Treasure this Friendship
Forever.


Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
I will Keep the Cellphone Chain... Or whatever you may call it.

I will Miss You!

ISANG TAON NA!

Naaalala mo pa ba ang mga oras na tayo'y magkasama?
Kaibigan ika'y kasabay sa mga tawang tila wala nang bukas...
Naaalala mo pa ba ang mga luhang nilunod sa ulan?
Ito ang mga panahong damdami'y nag-aalab...

At kung di mo makita ang liwanag ng bukas,
'Wag na 'wag kang matatakot
May kasama ka...

Aalis na pala...
Di man lang namalayan
Ang oras ay naubos na...
At sa ating paglisan
Ang tanging pabaon ay ang pangako...

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
March 29, 2006

Sabay nating ginuhit ang mga pangarap sa alapaap.
Sabay nating tinahak ang daang mapaglaro.
Madadapa't babangon, mangangarap at mangagako
Ito ang mga panahong iaalay sa'yo.

ISANG TAON na tayong alumi ng Pisay, Illumina!
I miss everyone...
The friendship that we built had been the best thing that ever happened to me in my life.
Thank you for keeping the bond strong.

God bless Illumina!

Sunday, March 25, 2007

VIDEOS!!!

These are new videos we recorded yesterday at Bex and Ciara's boarding house.

I really hope you'd enjoy watching them:



The Best in ME -- OUr Version
The Emo Video... Lots of hair mga pare!



Especially for You -- OUr Version
Pa-cute video. Waa



Eto nakalimutan ko ang title... Basta Pussycat Dolls na kanta.
Waaha.

Ang saya ano? Sana ganito na lang forever...

Pero di puwede eh.

Saturday, March 24, 2007

ONE HELL WEEK TO GO

And babalik na ako ulit sa Davao.

My flight is on March 31, 345pm, CebuPac.

And I just can't wait to see them again. :|

>>>

Depressing.

Yes, it's depressing to know that the Katip Godesses will separate ways next semester.

...

Wala na akong masasabi pa tungkol diyan.

Basta... Nakakasad.

:(

>>>

Papel na Nangangatwiran sa Filipino12 on Mar26 (title na lang!)
Math17 Finals on Mar26 (!!!)
Physics14.1 Class Standing announcement on Mar29 pm at Faura (GOODNESS... Kinakabahan na ako!)
Lit Animation and Podcast Project (by Keena) on Mar28 (salamat Keena mabuhay ang mga BFA ID!)
Lit Finals (written) on Mar28 (HELPP!!!)
En12 Research Paper Final Draft (OH GOD HELP ME) on Mar29
Physics14.1 Finals on Mar30 (Comprehensive...WAAAAAAH!!!)
Lit Bonus Paper about the Vagina Monologues anytime Next Week.

Yakang-yaka ito!!!
Pray for Me.

Saturday, March 17, 2007

OF WOUNDS AND SCARS

People have scars. In all sorts of unexpected places. Like secret roadmaps of their personal histories. Diagrams of all their old wounds. Most of our wounds heal, leaving nothing behind but a scar. But some of them don't. Some wounds we carry with us everywhere and though the cut's long gone, the pain still lingers.

What's worse, new wounds which are so horribly painful or old wounds that should've healed years ago and never did? Maybe our old wounds teach us something. They remind us where we've been and what we've overcome. They teach us lessons about what to avoid in the future. That's what we like to think. But that's not the way it is, is it? Some things we just have to learn over and over and over again.

~meredith grey

OO

Yes, I bought a new cell phone.

And yes, I bought a Globe sim pack.

And yes, nasira na 'yung goal kong maging Smart subscriber forever. Apparently that thing doesn't totally work well for me nowadays. Sobrang napapamahal yung gastos ko sa katetext ng mga kaklase ko dahil halos lahat sila Globe. Kaya naman, nag-ipon ako para makabili ng bagong cellphone na Globe.

And tarrraah! Ayan, bagong cell phone. Binili namin nina Mara and Nicole sa Sta. Lucia kahapon ng hapon.

PERO, active smart subscriber pa rin naman ako. At di yan magbabago.

Haaay naku... two weeks na lang, tapos na ang sem!

And I have four papers more to go : 2 for english, 1 for fil, 1 for lit. I really hope I would be able to finish them on time. I believe I can. Oo! Kaya ko ito.

May math long test pa kami sa wednesday! Haaay naku... Differential equations. Nagfi-feeling Math major na ako. Haha! I love math. Nyahh..

Oo nga pala, I'm planning to transfer to another room here in Dormitoryana (Hopefully kasama ko na sina Niña at kapatid niya). Aalis na kasi si Ate Mian. Pupunta na siya ng Canada.

Haay naku basta. Kailangan ko ng roommate. Yun lang. Tapos.

>>>

Grey's anatomy quotes:

"First, do no harm. As doctors, we pledge to live by this oath. But harm happens and then guilt happens. And there is no oath for how to deal with that. Guilt never goes anywhere on its own, it brings its friends - doubt and insecurity."

"At any given moment, the brain has 14 billion neurons firing at a speed of 450 miles per hour. We don’t have control over most of them. When we get a chill... goose bumps. When we get excited... adrenaline. The body naturally follows it’s impulses, which I think is part of what makes it so hard for us to control ours. Of course, sometimes we have impulses we would rather not control, that we later wish we had."

"The body is a slave to it's impulses. But the thing that makes us human is what we can control. After the storm, after the rush, after the heat of the moment has passed, we can cool off and clean up the messes we made. We can try to let go of what was. Then again..."

"We are left with a choice. Either let the guilt throw you back into the behavior that got you into trouble in the first place, or learn from the guilt and do your best to move on."

"To make it -- really make it -- as a surgeon, it takes major commitment. We have to be willing to pick up that scalpel and make a cut that may or may not do more damage than good. It's all about being committed, because if we're not? We have no business picking up that scalpel in the first place."

"No one believes that their life will turn out just kind of okay. We all think we are going to be great. And from the day we decide to be surgeons, we are filled with expectation. Great expectations of who we will be, where we will go. And then... we get there."

"We all think we’re going to be great and we feel a little bit robbed when our expectations aren’t met. But sometimes expectations sell us short. Sometimes the expected simply pales in comparison to the unexpected. You got to wonder why we cling to our expectations, because the expected is just what keeps us steady. Standing. Still, the expected's just the beginning, the unexpected is what changes our lives."

>>>

Pray for me...

Wednesday, March 14, 2007

FREE TIME

Hell Week is coming up.

Actually, kaka-Hell week ko lang.

I just took our last Physics long test earlier. Sana ok 'yung nakuha kong marka doon.

Anyway, update.

I've been crying for the past few days. Ngayon ko lang narealize na mas ok pala kung nilalabas mo kaysa iniipon mo lang sa loob mo.

Haay buhay... I've never been so hopeful in my entire life (i do keep on repeating this statement). Kaya naman, I will try and try, even though I fail. And I'll try harder and harder each time I fall.

Dahil gusto ko... I'll do everything just for this to be done.

Training... love to!

>>>

Good news!

Nagfinals kami sa PE last sunday. PE ko pala is arnis.

Nakasali ako sa inter-class tournament. Guess what? Champion ako sa division namin. Oh yeah!

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket
Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

I love arnis.

>>>

Two weeks more... Babalik na ako sa Davao.
Pray for me people of the world! Yakang-yaka ko ito!

>>>

Last friday, we watched the play, The Vagina Monologues, for the Women's week celebration.
Oh yeah! mabuhay ang lahat ng mga Babae!
Sobrang naloka ako sa play. Tawa ako ng tawa, and at the same time sobrang nagkaroon ako ng bagong insights sa pagkababae ng mga babae.
I am so damn proud to be a woman!
Neknek niyo mga lalaki kayo!
Who needs a handgun when you got a semi-automatic?

>>>

Lit proj & finals.
En reflection and research papers.
Fil argumentative paper.
Math reporting (on friday!), last LT, and finals.
Physics finals.

God bless us all!

Saturday, March 10, 2007

QUOTING

At the end of a day like this,
a day when so many prayers are answered and so many aren't
we take our miracles where we find them
we reach across the gap
and sometimes
against all odds
against all logic
we touch
~meredith

Friday, March 9, 2007

PART 2

I never knew this could reach part two.

I tried. I failed.

tears fell...

sniff.

dried.

gathered all the senses.

I tried again. t-y-p-e-d. sent.

kept in this optimistic state

that they will reconsider.

>>>

I have never been this hopeful in my whole life.

Tuesday, March 6, 2007

BOLD AND DARING

I finally e-mailed Pare.

I guess I do not have enough courage to talk to him via the phone (I would end up crying on the other line kung ganoon ang situation).

And so, now, I'm prepared

of

what would happen...

and i'm still me,

doing my best to keep this optimistic self

and hoping... just hoping

that he will reconsider.

>>>

I have a Math LT tomorrow.
Pray for me.
God bless people!

Wednesday, February 21, 2007

PONANDZI

Salamat Miggy!

Photobucket - Video and Image Hosting
Pon and Zi by Jeff Thomas

Monday, February 19, 2007

POOOOD

I was typing out my Physics lab here in the RSF when Mare texted me.

"K b s u f new dog natin ay pure brid black poodle? Wat name giv? Male. Giv s kin dis pm pa. Gusto CJ, Borgy daw name."

Goodness! Nahampas ko sa likuran si Niña (who happened to be my partner in Physics lab. Actually siya nga yung partner ko sa lahat ng mga subjects na may pair work.) sa sobrang tuwa at excitement! GOODNESS! MAGKAKAROON NA KAMI ULIT NG ASO!!!

Oh yeah beybeh! And now, it's going to be a poodle. A black poodle. Black being luxurious and elegant. Ang arte pa naman ng poodle!

Oh yeah!!!

Naku. Kaya ngayon, nag-iisip na ako ng name. Ayoko nga ng Borgy. Borgy kasi yung aso namin when I was still 5 years old. Akala namin lalaki then one day bigla na lang nanganak ng mga 8 pups. Perteh. Pinamigay nga namin yung kanyang mga anak eh. Kaya ngayon, halos lahat ng mga asong gumagala sa Aster street ng Flores Village eh malamang kamag-anak ni Borgy.

Iniisip ko nga na papangalanin ko yung medyo makalumang name tulad ng Fernando, Maximo (Max?), Reginald, etc.. Minsan iniisip ko na medyo cute na lang na pangalan... Natandaan ko na naman si Pipo... :(

Perteh. So... name? Pangalan ng aso.

POODy nalang siguro. Wahaha.

Ay ewan.

Saturday, February 17, 2007

HALA HEY PEOPLE!

It's been such a long time since I've posted an entry here in my blog. Ang corny... Ayoko na munang mag-English. Perteh.

Alam niyo naman sigurong napakabusy ko in the past month (HELL MONTH GRABEH!). Ibang-iba na talaga sa college, grabeh. Alam kong inulit-ulit ko na 'tong ni-rant dito sa blog ko, kaso hindi talaga matutumbasan ng kahit ano mang salita ang nararamdaman namin ngayon ng aking mga kaibigan when it comes to schoolworks.

Photobucket - Video and Image Hosting
Hinay-hinay lang Hubs.

Photobucket - Video and Image Hosting
Magiging Engineer ako beybeh!


Pero, nagkaroon din naman ako ng mga moments kasama ang aking mga kaibigan.

Isheshare ko nga pala! Dumaan kami last January sa may Edsa Walk ng Ateneo. Nakita kong naka-post ito sa may bulletin board doon:

Photobucket - Video and Image Hosting
Gawa 'yan ng kamag-anak ni Van Gough... Ang pekeng Van Gogh

Perteh! Nakakaoverwhelm na at the same time, nakakahiya. Ginawa ko ito for our Intact (Introduction to Ateneo Culture and Tradition) class. Gawa raw kami ng poster looking for a person with a "burning yes." Perteh. Nakokornihan ako sa gawa ko. It's just amazing that some people think that this is indeed, a work of art---worthy of exhibiting sa may Edsa Walk pa talaga ng Ateneo! Natawa lang ako noong nakita ko ito. Ayoko pa ngang picturan ito sa simula... Kaso sinabi ni Niña na picturan ko na lang daw kasi minsan lang ito mangyari. Sabagay, minsan nga lang.

Ayon! Nakakapagpataba ng puso... Hypertrophy to the highest level!

>>>

Katip night-out namin last Monday. After eating in BentoBox, dumiretso kami sa Cello's doughnuts. Cello's serves the best doughnuts in Katipunan. Ayoko ng Krispy Kreme... Sobrang tamis eh--mahal pa!

Ang saya pala kung malapit na ang Vday sa Cellos. Kung customer ka doon, pwede kang mag-post ng sangkatutak na mga messages sa mga heart-shaped cartolinas at pwede mong ipost sa kanilang mga dingding.

Photobucket - Video and Image Hosting
Valentine's Day Craze at Cello's

Kaya ayun, nagpost din kami nina Bex, Tal, Cia, Lec, Miggy, Rae, at Jason.

Photobucket - Video and Image Hosting
Mishoo Illumina!

At ang saya pa kasi since di raw kami mabibigyan ng mga bulaklak or any other gift nina Miggy at Jason sa Vday, binilhan nila kami ng 15 pieces na doughnuts sa Cellos.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang sweet naman ng mga lalaking ito. The best talaga kayo!

Photobucket - Video and Image Hosting
Oh yeah Miggy!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kasama namin ang bahista ng Hidden Nikki!


Ang bait-bait talaga nila! As in!! Salamat Migs!! Jason---656 points!! and counting...

>>>

Valentines day... este, Singles' awareness day pala!

Imbis na lumabas with friends, nag-aral kami ng mga blockmates ko buong gabi hanggang mga 11:30pm for our Math (CALCULUS BEYBEH!) long test. Saklap namang tumayming si Ms. Tulao! Ginawa pang after vday 'yung 3rd long test! PERTEH! So, kinancel ko na lang ang mga appointments ko--with Bex at Cia--na mga ka-date ko sana noong gabing 'yon.

So, ganito ang nangyari, naging mga ka-date ko noong Feb14 eh apat na lalaki, isang babae, at mga antiderivatives (ang nerd, grabeh). Kaso, medyo na-late ng konti 'yung babae kaya naman masasabi nating naging ka-date ko yung apat na lalaki at antiderivatives. Perteh. Nagdinner kami sa McDo (na naman!) at ayon.. Nag-aral.

Nakakatuwang makasama ang apat na lalaking iyon. Ang iingay nila and at the same time, nakakatuwa. Nakikipag-compete with each other... Basta, nakakatuwa.

The next day, Math long test na nga.

Perteh. Feeling ko magiging cancellable ko yung exam na iyon. Hanep! ANG HIRAP kasi eh.

"haaay, Bagsak..." ika nga ng isa kong blockmate.

Perteh.

>>>

Random pics.
Wala lang, gusto ko lang ishare.

Photobucket - Video and Image Hosting
Ehem.. Bagay!

Photobucket - Video and Image Hosting
May tinatagong sikreto si Kbo! Aalamin ko ito soon!

Photobucket - Video and Image Hosting
Ang charapcharap ng icecream ng Shakey'S! Salamat LeC!

Photobucket - Video and Image Hosting
Kain, sabay ngiti.

>>>

Oo nga pala! Pictures are now available online!

just click this LINK

Oh yeah! KK!

>>>

God bless you people!